Claudine Barretto denies Kris Aquino solicited her help to bring down Gretchen

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2019
<p>Claudine Barretto's (left) name has recently been dragged by estranged sister Gretchen Barretto (center) in the latter's latest Instagram post about Kris Aquino (right). </p>
PHOTO/S: File

Pinabulaanan ni Claudine Barretto, 39, ang alegasyon ng estranged sister niyang si Gretchen Barretto, 48, na nagdadawit sa kanyang pangalan sa isyu nito kay Kris Aquino, 47.

Sa Instagram post ni Gretchen Lunes ng gabi, January 21, inakusahan nito si Kris na patagong gumagawa ng hakbang upang wasakin ang kanyang pagkatao sa publiko.

Isinagawa raw ito ni Kris sa pamamagitan ng pagtawag kay Claudine upang ipaalam sa kanilang mga magulang, sina Mike at Inday Barretto, na sasampahan ng kaso at ipakukulong ni Kris si Gretchen.

Bahagi ng pahayag ni Gretchen: “And what’s this I heard from inside her camp?

"She called up Claudine to tell my parents that she will file a case against me & put me to jail and asked them for help in destroying me.

"What is this, a tag team wrestling match? Can’t a “Queen” handle it herself?”"

Ang nasabing post ay naglalaman din ng mga mga panibagong birada ni Gretchen laban kay Kris, na second cousin ng kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

CLAUDINE DENIES KRIS CALLED

Maghahatinggabi ng Lunes, kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine upang hingan ng reaksiyon sa pagbanggit ni Gretchen ng kanyang pangalan.

Kaagad namang tumugon si Claudine.

“Walang ganyang nangyari.

“Kung sino gumagawa ng ganyang kwento, di nagsasabi ng totoo.”

Tila hindi pa nababasa ni Claudine ang post ng kanyang kapatid kaya ibinahagi namin ang nilalaman nito.

Makalipas ng ilang minuto, nag-text muli si Claudine sa PEP.ph.

Sabi niya, “Not true at all. May sakit pareho parents ko.

“It doesn’t make sense. Thank you for letting me know.”

Alam ng publiko na matagal nang may malalim na hidwaan sa pagitan ni Gretchen at ng mga magulang nito, pati na sa kanyang mga nakababatang kapatid na babae na sina Claudine at Marjorie Barretto.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Claudine Barretto's (left) name has recently been dragged by estranged sister Gretchen Barretto (center) in the latter's latest Instagram post about Kris Aquino (right). </p>
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results