Arjo Atayde asked: Are you in a relationship with Maine Mendoza?

by Rachelle Siazon
Jan 22, 2019
<p>Arjo Atayde denies that he and Maine Mendoza are already a couple. But barely two weeks ago, they were seen spending time together at an upscale mall in Pasay City. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Diretsahang tinanong ni Vice Ganda si Arjo Atayde kung karelasyon na ba nito si Maine Mendoza.

Base ito sa "Kuryentanong" game segment sa ABS-CBN late-night variety show na Gandang Gabi Vice, noong Linggo, January 20.

Ang mechanics ay sasailalim si Arjo sa lie-detector test upang masiguro kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.

Tanong ni Vice: "Arjo Atayde, magdyowa na ba kayo ni Maine Mendoza? Yes or no?"

Sagot ni Arjo: "No."

Nakuryente ang kamay ni Arjo na nakapatong sa lie-detector gadget, na nangangahulugang hindi nagsasabi ng totoo ang Kapamilya actor.

Pero hindi malinaw kung gaano ka-accurate ang gadget na ginamit dahil sa tatlong tanong ni Vice kay Arjo ay tatlong beses ding nakuryente ang huli.

OPENLY GOING OUT?

Kamakailan lang ay namataang kasama ni Arjo, 28, ang Kapuso actress-TV host na si Maine, 23, sa tapat ng isang virtual reality gaming park sa isang upscale mall sa Pasay City.

Continue reading below ↓

Ang kumalat nilang mga litrato ay may petsang January 13.

Hiwalay na nagpakuha sina Maine at Arjo sa grupo ng mga batang nakakita sa kanila roon.

Pero mapapansing iisa ang grupo ng mga batang nagpa-picture sa kanila sa tapat ng naturang gaming park.

IMAGE CTTO via @armainenatics Instagram

Humigi't kumulang tatlong buwan nang tampok ng espekulasyon ang diumano'y pagkakamabutihan nina Arjo at Maine.

Continue reading below ↓

Tila naging malapit sila sa isa't isa mula nang magkatrabaho sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Makailang-beses namataan sina Maine at Arjo na magkasama sa labas ng trabaho—kumain sa restaurant, pumarty sa bar, at nanood ng concert.

MAINE'S STAND

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 6, 2018, inamin ni Maine na lumalabas sila ni Arjo bilang magkaibigan.

Dagdag ni Maine tungkol sa madalas nilang pagkikita ni Arjo, "Getting to know each other first. Siyempre, paano mo makilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?"

Aminado si Maine na may ilang netizens ang hindi pabor sa pagiging malapit niya kay Arjo.

Nito lang January 20, 2019, may buwelta si Maine sa netizens na nagsasabing ginagamit lang siya ng Kapamilya actor.

Ani Maine, "Just stop this nonsense and let us all do better instead."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Arjo Atayde denies that he and Maine Mendoza are already a couple. But barely two weeks ago, they were seen spending time together at an upscale mall in Pasay City. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results