Angelica Panganiban ponders what to do when things don't work out

by Rachelle Siazon
Jan 23, 2019
<p>Angelica Panganiban hints at feeling "lowbat" about life; gets advice from TV co-star Nadia Montenegro.</p>
PHOTO/S: Shaira Luna

Tila nagpahiwatig si Angelica Panganiban ng kanyang current state of mind sa pamamagitan ng Instagram post niya ngayong araw, January 23.

Napukaw ng atensiyon ni Angelica ang isang picture window na may disenyong written quote kung paano dapat harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Sabi rito (published as is): "LIFE IS LIKE a camera

"Focus on what's important * Capture the good times * Develop from the negativs

"and if thing's don't work out

"TAKE ANOTHER SHOT."

Maiksi ngunit malaman ang pagkuwestiyon ni Angelica sa naturang quote: "Talaga po ba"

View this post on Instagram

Talaga po ba

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Sa comments' section, nag-iwan ng mensahe ang malapit na katrabaho ni Angelica na si Nadia Montenegro.

Si Nadia ay gumaganap na ina ni Angelica sa ABS-CBN daytime series na Playhouse.

Sabi ni Nadia, "@iamangelicap OO DAW! At bago mo macapture make sure tama ang 'vision' mo.

"Tyaka always remember to trust the author/scriptwriter of your story.

"You deserve the best!"

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ni Angelica ang encouraging words mula kay Nadia.

Pero nagpahiwatig si Angelica na sa ngayon ay "lowbat" pa siya.

Sabi ng nakababatang aktres, "@officialnadiam super supportive nanay Belen [lovestruck emojis]

"lowbat. Nawawala yung charger."

Continue reading below ↓

Sang-ayon naman si Nadia na sa huli ay si Angelica ang nakakaalam ng makabubuti para sa kanya.

"@iamangelicap hahahaha dyan ako hirap sayo... may sagot sa lahat!

"Yan din strength mo! Alam mo sagot sa lahat! [wink] lab you!"

Continue reading below ↓

Hindi nagdetalye si Angelica kung mayroon man siyang dinadamdam ngayon.

HEARTBROKEN ANGELICA?

Pero noong January 15, magkakasunod ang malamang tweets ni Angelica tungkol sa pagkabigo niya dahil sa pag-ibig.

"Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ko ulit. Totoong nagmamahal na ko. ULIT!!! MAGDIWANG!

"Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko,,, angge? Naiiyak ka on your own? WhathaOMGFAAAK?!"

Hindi pinangalanan ni Angelica kung sinong personalidad ang tinutukoy niya sa kanyang tweets.

CARGEL LOVE TEAM

Ang huling naugnay sa kanya ay ang ex-boyfriend at childhood love team niyang si Carlo Aquino.

Nagkatambal silang muli sa pelikulang Exes Baggage na ipinalabas noong September 2018.

Gumanap din si Carlo na ka-love triangle nina Angelica at Zanjoe Marudo sa daytime series na Playhouse.

Noong December 2018, nagdiwang ng Pasko si Carlo sa bahay ni Angelica at nagpakuha pa sila ng litrato kasama ang ina at isa pang kaanak ng aktres.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Pero nitong January 15, 2019, nagdesisyon si Angelica na i-unfollow si Carlo sa Instagram dahil umano sa bashers na nagsasabing "nadedehado" ang aktor sa mga binibitawang salita ng aktres sa social media.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angelica Panganiban hints at feeling "lowbat" about life; gets advice from TV co-star Nadia Montenegro.</p>
PHOTO/S: Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results