Did Maine Mendoza gush about Arjo Atayde on Twitter in 2013?

by Rachelle Siazon
Jan 23, 2019
<p>MAJOR THROWBACK! Netizens speculate about Maine Mendoza's 2013 tweet about how she finds "Arjo" such a "cutie." As it happens, Maine and Arjo Atayde are now exclusively dating.</p>
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde Instagram

Si Arjo Atayde nga ba ang tinutukoy ni Maine Mendoza sa kanyang tweet noong 2013?

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na minsan na umanong naghayag ng paghanga si Maine kay Arjo bago pa man siya naging phenomenal star ng Eat Bulaga.

Kaugnay ito ng tweet ni Maine na may petsang July 28, 2013.

Tila kinikilig na tweet niya, "Arjo cutie [crying emoji]"

Walang binanggit na apelyido si Maine sa kanyang tweet.

Continue reading below ↓

Pero ilan sa mga masugid niyang tagasuporta ang nakapansin nito nang magkatrabaho sina Maine at Arjo sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Sino raw ba ang mag-aakalang limang taon mula nang i-tweet iyon ni Maine ay magkakatrabaho sila ng aktor sa isang pelikula?

Continue reading below ↓

AS CO-STARS

Nagsimula ang shooting ng Jack Em Popoy noong August 2018.

Si Maine ang leading lady ni Coco Martin at pareho silang gumanap bilang mga pulis, habang si Arjo ay parte ng sindikatong kalaban sa istorya.

Ang isang eksenang pinagsamahan nina Maine, 23, at Arjo, 28, ay ang engkuwentro nila sa sementeryo kung saan ipinalupot ni Arjo ang kanyang kamay sa leeg ni Maine.

Ito ay upang makatakas si Arjo sa mga pulis sa eksenang iyon.

OUTSIDE WORK

Bukod sa pagiging magkatrabaho, hindi nagtagal ay naging malapit sa isa't isa sina Maine at Arjo kahit sa likod ng kamera.

Patunay nito ang ilang sightings kung saan magkasama silang kumakain sa restaurant, nagsuot ng matching Halloween costume sa isang restobar, at nanood ng concert.

Lumabas sa publiko ang mga litratong magkasama sina Maine at Arjo mula October 2018 hanggang nitong January 13, 2019.

Noong una ay may mga kaunting pahiwatig na ang dalawa tungkol sa saya at inspirasyong dulot nila sa isa't isa.

Continue reading below ↓

EXCLUSIVELY DATING

Pero nito lang January 22, 2019, diretsahang inamin ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine.

Ayon sa aktor, nagustuhan niya ang lahat-lahat kay Maine.

At handa raw ang Kapamilya actor na panindigan ang pagkakamabutihan nila ng Kapuso Dubsmash Queen sa kabila ng bashers na sobra ang pagkontra sa ugnayan nila.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>MAJOR THROWBACK! Netizens speculate about Maine Mendoza's 2013 tweet about how she finds "Arjo" such a "cutie." As it happens, Maine and Arjo Atayde are now exclusively dating.</p>
PHOTO/S: @mainedcm / @arjoatayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results