Nakakuha na ng working permit ang actor-singer na si Tony Labrusca kaya back to work na siya.
Nitong Miyerkules, January 23, nag-shooting na si Tony para sa pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken, na ipalalabas sa iWant TV.
Sa Instagram post ng writer-director na si Joey Reyes, ibinahagi niya ang selfie picture nila ni Tony.
Mensahe niya sa caption: “Now taping: #babaesaseptictank3 with Labrusca! On camera work!”
Sinundan pa niya ito ng post kasama ang buong cast ng show.
Nakalagay sa caption: “ANG BABAE SA SEPTIC TANK 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken -- NOW FILMING! #behappy.”
View this post on InstagramANG BABAE SA SEPTIC TANK 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken -- NOW FILMING! #behappy
Isang netizen ang nagtanong sa direktor kung nakakuha na ba ng working permit si Tony.
Ayon sa isang Instagram user na may handle name na @grj781, “May working visa sya?”
Tugon ni Direk Joey, “@grj781 Yes, he has acquired the work permit.
“Otherwise he would not be on the set.”

Nalagay sa alanganin ang karera at trabaho ni Tony sa Pilipinas nang sinigawan at minura niya diumano ang Immigration Officers sa NAIA Terminal 1 noong January 3.
Ito ay matapos na isang buwan lamang ang ibinigay sa kanyang pananatili sa bansa, gayong marami raw siyang nakapilang trabaho.
Nag-viral ang nasabing post ng netizen kaya nabatikos nang husto si Tony.
Humingi naman ng dispensa si Tony sa kanyang nagawa.
Ngunit, iniimbestigahan pa rin ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) ang insidente kung sasampahan ba ng deportation complaint ang Filipino-American actor.
Nagpasa na rin ng kanyang apela si Tony sa BI upang kilalanin siyang Pilipino.
Purong Pinoy kasi ang kanyang mga magulang na sina Boom Labrusca at Angel Jones, bagamat sa Amerika siya ipinanganak.