Arjo Atayde tells netizens to stop bashing Alden Richards

by Rachelle Siazon
Jan 25, 2019
Arjo Atayde (left) tells fans supporting him and Maine Mendoza (not in photo) to stop bashing Alden Richards (right): "Wag na po idamay si alden please.. lets just keep quiet and move on"
PHOTO/S: Noel Orsal / Rose Garcia

Pinagsabihan ni Arjo Atayde ang ilang netizens na tigilan na ang pambabatikos kay Alden Richards.

Kaugnay ito ng hidwaan sa ilang fans ng love team nina Maine Mendoza at Alden Richards, o mas kilala bilang AlDub.

Sinasabing may ibang AlDub fans ang hindi pabor sa namumuong real-life romance sa pagitan nina Maine at Arjo.

Tila ito ang nag-udyok sa isang netizen na maghayag ng disgusto kay Alden, na gusto pa rin ng ibang fans na siyang makatuluyan ni Maine.

Pero inawat ni Arjo ang netizen.

Pakiusap ng Kapamilya actor, "Wag na po idamay si alden please.. lets just keep quiet and move on".

Iginiit din ni Arjo na walang maidudulot na mabuti ang pamba-bash.

"I appreciate you.. don’t get me wrong.. but just be the better person and be happy.. the negative energy they give is useless it ain’t changing anything.. so smile!!! THANK YOU SAINYO [heart emoji]"

Continue reading below ↓

Nitong January 22, 2019, inamin ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine Mendoza.

Ito ay matapos ang humigi't kumulang tatlong buwang espekulasyon hinggil sa bali-balitang nagkakamabutihan nga ang dalawa.

STORIES WE ARE TRACKING

Hati ang reaksiyon ng AlDub fans sa balitang ito, dahil may iba sa kanilang umaasang magkatotohanan ang tambalang Maine at Alden.

Ngunit noon pang November 2017, nilinaw ni Maine sa kanyang open letter na magkaibigan lang sila ni Alden.

Nakiusap din noon si Maine sa fans nila ni Alden na hayaan silang magkaroon ng kalayaang gawin ang magpapasaya sa kaniya at sa kanyang perennial leading man.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde (left) tells fans supporting him and Maine Mendoza (not in photo) to stop bashing Alden Richards (right): "Wag na po idamay si alden please.. lets just keep quiet and move on"
PHOTO/S: Noel Orsal / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results