Meg Imperial posts photo of non-showbiz boyfriend for the first time

by Rachelle Siazon
Jan 29, 2019
<p>Kapamilya actress Meg Imperial introduces her non-showbiz boyfriend named Ravien to her Instagram followers.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @megimperial Instagram

Buong-pagmamalaking ipinakilala ni Meg Imperial ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Ravien.

Ito ang unang pagkakataong ipinakita ni Meg ang litrato ng binata sa Instagram account ng aktres kahapon, January 28.

Kalakip ang isang heart emoji, saad ng 26-year-old Viva artist sa kanyang caption: "appreciation post to this ever supportive man in my life."

Dito ay makikitang naka-tag si Ravien na ang Instagram handle ay @ravetrigger.

Nakalagay sa Instagram bio ng binata na siya ay nakabase sa Milan, Italy, at sa Manila, Philippines.

View this post on Instagram

?? appreciation post to this ever supportive man in my life.

A post shared by Meg (@megimperial) on

Maliban dito ay wala nang ibang detalyeng ibinigay si Meg tungkol sa nobyo.

Pero minsan nang nabanggit ni Meg na mayroon siyang boyfriend na Italian citizen, pero Filipino na medyo Portuguese ang lahi.

Base ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Meg noong September 2018.

Nabanggit din ng aktres na one year at eight months na silang magkarelasyon ng kanyang Italian boyfriend. Kung susumahin, lumalabas na two years na sila ngayong January 2019.

Continue reading below ↓

Nang tanungin tungkol sa background ng kanyang nobyo, ikinuwento rin ni Meg na nakatrabaho ni Ravien si Nico Bolzico sa isang digital marketing company.

Pero lumipat daw ito ng trabaho sa isang real estate company sa Dubai upang kumuha ng experience bago magtayo ng sariling negosyo.

Nabanggit din ni Meg na 28 years old lang ang kanyang nobyo.

Inamin pa noon ni Meg na isa sa matinding pagsubok na pinagdadaanan nila ng nobyo ay ang kanilang long-distance relationship.

Gayunman, nangako raw noon ang binata na patuloy ang commitment at effort nitong maging maayos silang dalawa.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kapamilya actress Meg Imperial introduces her non-showbiz boyfriend named Ravien to her Instagram followers.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / @megimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results