Kylie Padilla finally understands why dad Robin wanted her and Aljur to get married

by Rachelle Siazon
Jan 31, 2019
<p>Kylie Padilla on gaining dad Robin's full support of her wedding with Aljur Abrenica: "Oo nga! Sobrang nag-switch ng tables. Ansaya ko! Andami naming pinagdaanan. For my dad to be there, for his family to be there... And everyone was hugging. Whoa! Medyo overwhelming. Sobrang saya!"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

"I was so touched on that day. Buong araw akong umiiyak."

Hindi raw makakalimutan ni Kylie Padilla, 26, kung gaano siya kasaya nang magpakasal sila ni Aljur Abrenica, 28.

Ikinasal sila sa Villa Milagros ancestral home, sa Rodriguez, Rizal, noong December 11, 2018.

Bukas sa publiko na bago sila humantong sa kasalan ni Aljur ay matagal na tutol ang ama ni Kylie na si Robin Padilla sa kanilang relasyon.

Hindi nagustuhan noon ni Robin ang pakikipag-live in ni Kylie kay Aljur at ang pagkakaroon ng mga ito ng anak nang hindi pa kasal.

Pero nang ikasal sina Aljur at Kylie, numero uno si Robin sa pagsigaw sa kagalakan nang hirangin ng pastor na kasal na ang dalawa.

Si Robin din ang pasimuno ng pagsasapubliko ng wedding ceremony sa pamamagitan ng Instagram Live ng action star.

"Oo nga! Sobrang nag-switch ng tables. Ansaya ko! Andami naming pinagdaanan.

"For my dad to be there, for his family to be there... And everyone was hugging. Whoa!

Continue reading below ↓

"Medyo overwhelming. Sobrang saya!"

Kuwento pa ni Kylie, "Actually, hindi namin ia-announce agad na ikinasal kami. Pero si Papa, nag-Live siya.

"Yun na yung naging announcement namin. Pero hindi ko masisi si Papa, kasi siyempre tatay siya and masaya siya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie pagkatapos ng presscon para sa TODA One I Love, ang bagong prime-time series ng GMA Network.

Ginanap ito sa GMA Network Center, Quezon City, kahapon, January 30.

SANCTITY OF MARRIAGE

Napagtanto raw ni Kylie na tama talaga ang payo ni Robin na mas magandang makasal sila ni Aljur.

Ito ay sa kabila ng paniniwala noon ng aktres na hindi kailangan ng kasal para maging masaya at matagumpay ang buhay-pamilya nila ni Aljur.

"Alam naman ng lahat na medyo... well, hindi ako naniniwala sa kasal, e.

"Napag-usapan namin ni AJ," pagtukoy ni Kylie kay Aljur—na ang palayaw ay AJ.

"Meron man o wala, aayusin pa rin natin yung atin.

Continue reading below ↓

"When we do get married, it's more of for the family."

Anong pakiramdam ngayong kasal na sila ni Aljur?

Patuloy na lahad ni Kylie: "Pero nung nangyari na, andaming blessings na dumating. Naramdaman ko talaga na when you get there, it is very sacred.

"Kasi everything is okay na, wala kayong masyadong iniisip. And it's official na. It's in the papers.

"And feeling ko, yung bond namin, lalong lumakas nung ikinasal kami."

Dugtong niya, "Kaya pala sinasabi ni Papa, ng family members namin, na iba pag kasal ka. Naramdaman ko na magical talaga siya."

RESPECT FOR FAMILY'S RELIGION

Ibinahagi rin ni Kylie na ang kasal nila ni Aljur ay mas basbas ng isang pastor.

Pero hindi raw iyon Christian ceremony.

Ano bang sinusunod na religion ni Kylie?

Sagot ng Kapuso actress, "I'm not practicing right now. But we wanna respect everyone who's there.

"My dad's Muslim. My mom's Muslim. So just so that it's safe, ambiguous na lang yung wedding."

Continue reading below ↓

Ang mahalaga ay naganap daw ang pag-iisang dibdib nila ni Aljur.

Dagdag ni Kylie, "And ang ganda ng ginawa ng pastor namin.

"It was very symbolic of everything that has to do with getting married.

"It has to be a partnership. Nakatali na kayong dalawa sa isat isa."

Nagpapasalamat din si Kylie dahil nakarating sa kanyang kasal ang mga kapatid na sina Queenie, Zhen-Zhen, at Ali.

Hiwalay man ang mga magulang niyang sina Robin at Liezl Sicangco, todo-suporta naman ang mga ito sa espesyal na okasyon sa buhay ni Kylie.

Ano ang payo nina Robin at Liezl sa kanila ni Aljur?

"Marriage is not a happy ending. It's only the beginning.

"Kung my problema man, it's [just a matter of having] the right communication."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kylie Padilla on gaining dad Robin's full support of her wedding with Aljur Abrenica: "Oo nga! Sobrang nag-switch ng tables. Ansaya ko! Andami naming pinagdaanan. For my dad to be there, for his family to be there... And everyone was hugging. Whoa! Medyo overwhelming. Sobrang saya!"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results