Pia Wurtzbach hands off in Miss Universe Philippines franchise issue

by Rachelle Siazon
Feb 1, 2019
<p>Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says she has no update about whether or not Miss Universe Philippines franchise is up for change of management. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Wala raw ideya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach tungkol sa balitang mawawala na sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang franchise ng Miss Universe Philippines.

Ito ay sa kadahilanang mas tutok na raw si Pia sa kanyang showbiz career ngayon.

Paliwanag ng 29-year-old beauty queen-turned-TV host, "Unfortunately, I'm not aware where it's at right now.

"Medyo nandito na ako sa showbiz, nandito na ako sa pag-aartista. Hindi na ako masyadong updated na."

December 2018 lumabas ang espekulasyong inalok na ng Miss Universe Organization (MUO) ang franchise ng Miss Universe Philippines sa LCS Group, ang pag-aaring kumpanya ni dating Ilocus Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

Sa isang panayam noon kay Chavit, umiwas itong pag-usapan ang isyu dahil nirerespeto raw niya si Stella Marquez-Araneta, na siyang pinuno ng BPCI.

Itinanggi naman ng anak ni Chavit na si Rochelle Singson na mayroon nang negosasyon na bilhin ng LCS Group ang franchise ng Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

Noong January 3, 2019, naglabas ng opisyal na pahayag si Stella na ang BPCI pa rin ang nangangasiwa ng Miss Universe Philippines.

Sa parte ni Pia, nakikibalita na lang daw siya tungkol sa Miss Universe happenings.

"Just like you, I'm waiting for updates.

"I'm waiting kung ano na ba talaga ang magiging official statement.

"We'll just have to wait and see."

Nakapanayam si Pia ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng media launch ng World of Dance Philippines, ang bagong reality talent show ng ABS-CBN.

Ginanap ang event sa studio ng ABS-CBN sa Quezon City, noong Miyerkules, January 30.

CATRIONA HOMECOMING

Dito ay nabanggit ni Pia na excited na siya para sa nalalapit na homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Pilipinas.

"Ay, naku! Sobrang tuwang-tuwa ako na may nanalo ulit from the Philippines.

"I've said this before, I wish her all the best and I wish more for her—na talagang maramdaman niya ang pagmamahal ng mga Pilipino pag-uwi niya dito, pag nag-homecoming na siya.

Continue reading below ↓

"At hindi lang ng mga Pilipino, pati na rin ng buong mundo, kasi Miss Universe is all around the world."

Proud din si Pia kay Karen Gallman bilang first Filipina na nakasungkit ng Miss Intercontinental crown.

"Yes, kakapanalo pa lang ni Karen!"

Sabi pa ni Pia tungkol sa Binibining Pilipinas 2018 winners, "Ang ganda ng batch na 'to, they somehow produced winners. Ang galing!"

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says she has no update about whether or not Miss Universe Philippines franchise is up for change of management. </p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results