Jackie Rice says yes to baby, no to marriage

by Rommel R. Llanes
Feb 5, 2019
<p>Jackie Rice: "Gusto ko nga magka-baby lang, e, ayoko ng boyfriend, ayoko ng asawa. Gusto ko lang magpalahi, charot! Hahaha!"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Loveless pa rin si Jackie Rice pagkatapos nilang mag-break ng non-showbiz boyfriend niya noong 2017.

Walong taon nagtagal ang kanilang relasyon, pero hindi raw iyon pinanghihinayangan ng 28-year-old Kapuso actress.

“Hindi naman, mas naging okay nga siya ngayon,” sabi ni Jackie.

Magkaibigan daw sila hanggang ngayon. May pag-asa bang magkabalikan sila?

“Parang wala naman. Nagka-girlfriend na rin siya, yung ganun, happy na siya sa life niya.”

Pero si Jackie ay hindi pa nagka-boyfriend mula noon.

“Hindi, hindi ko din gusto… baka tomboy talaga ako, charot! Hahaha!

“Baka babae talaga yung gusto ko. Charot lang!” natatawang biro ng Filipino-American actress.

May mga nanligaw naman daw sa kanya.

“Meron, pero hindi ano, e, ang hirap… may comparison na kasi.

“Galing sa eight years, laging ganun, e, ayoko naman silang mag-suffer, parang ganun.”

Hanggang kailan siya walang boyfriend dahil sa sinasabi niyang comparison?

“Hindi ko alam,” sagot ni Jackie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon ng bagong Kapuso prime-time series na TODA One I Love January 30, Huwebes.

Continue reading below ↓

BABY OVER RELATIONSHIP

Kung papipiliin si Jackie, mas gusto raw niyang magkaanak kaysa magkaroon ng boyfriend o asawa.

“Gusto ko nga magka-baby lang, e, ayoko ng boyfriend, ayoko ng asawa.

“Gusto ko lang magpalahi, charot! Hahaha!” natatawang sabi niya.

Ipinaliwanag ni Jackie kung bakit ganito ang mentalidad niya.

“Kasi nakita ko kung sino yung mga diyosa pa rin kahit may edad na, walang problema daw, walang problema sa lalaki, yun ang secret.”

May anak lang?

“Yes, yun daw.”

Isa pang rebelasyon ng Kapuso actress ay hindi siya naniniwala sa kasal.

Saad niya, “Mapapansin pag inano ninyo… sinearch ninyo, parang 2004, parang ganung year, or 2014, yung interview ko, kami pa nung eight years ko, alam ko na eight years ago na…”

Na ayaw niya ng kasal?

“Ayoko, kaya takot siyang bigyan ako ng singsing.”

Dahil?

“Hindi talaga ako naniniwala sa kasal.”

Hindi magbabago ang paniniwang ito ni Jackie?

Pahayag niya, “Gusto ko ikakasal ako… just in case na ikasal ako, yung may mga anak na ako, matanda na ako.

Continue reading below ↓

“Gusto ko silang abay sa kasal, yung ganun.

“Yung true love talaga, hindi yung dahil kasabay ko mga nagpakasal na.”

So, maaaring ang kasal niya ay silver anniversary nila na or tenth anniversary?

“Kung sakali, pero hindi ko talaga nai-imagine, ni hindi ko…”

Rason pa niya, “Oo, or siguro dahil half ako, American.

“Yun nga, doon nakita ko laging divorce-divorce, dito mahirap ang divorce.”

TODA ONE I LOVE

Pagkatapos ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay sa TODA One I Love napapanood si Jackie.

Pagkatapos ng isang heavy drama series ay sa isang romantic-comedy naman kasama si Jackie bilang si Tiffany.

“Yeah, oo, sobrang thankful ako, ang bait talaga ng GMA sa akin, pati ni Lord, thank you Lord,” pakli niya.

Mabait ba ang role niya rito?

“Actually, hindi ko masasabing mabait ako dito.

"Kasi si Gelay [Kylie Padilla], ang ating bida dito, is masama ako sa kanya and ayoko sila ni Emong [Ruru Madrid], kasi gusto ko si Ruru.”

Continue reading below ↓

Bago sa kanya ang rom-com?

“Actually hindi, may nagawa na rin kami before ni Ruru, rom-com din yun, Naku, Boss Ko!, about election din.”

Biniro namin si Jackie kung mas mataas ba talent fee kapag election-related ang show.

“Mas marami lang raket for election din!” ang tumatawang reaksyon niya.

Read Next
Read More Stories About
Jackie Rice, TODA One I Love
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Jackie Rice: "Gusto ko nga magka-baby lang, e, ayoko ng boyfriend, ayoko ng asawa. Gusto ko lang magpalahi, charot! Hahaha!"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results