Angelu de Leon avoids posting negative comments on social media

by Glenn Regondola
Feb 12, 2019
<p>Angelu de Leon: "What I don't like about social media is they can have their opinions about you, but you can't have your opinions about anything. Para ngang it's not really a free world unless, you know, magkulong ka sa kuwarto."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Para kay Angelu de Leon, 39, kung ayaw mong ma-bash, huwag na lang magsalita o mag-post sa social media account.

Unang-una, hindi naman daw natin kontrolado ang mga tao kung gusto nilang mag-comment o hindi.

Kaya si Angelu raw ay ingat na ingat din kung ano ang inilalagay niya sa social media, dahil alam niyang open ito sa kung anumang opinyon at kailangang handa ka rin sa magiging reaksiyon ng netizens.

Pahayag ng Kapuso actress, “Kasi, parang nasa akin din yung magpapa-bash ba ako for the sake of...

“Kasi, sometimes nga kasi, in my values na natutunan ko na, if you have nothing nice to say, don’t say it.

“Don’t post it if you don’t have anything to say.

“Siyempre, personal ko, meron akong ganun, may napupuna ako. Ganyan ako.

“But, do I want to be in confrontation with people who I really do not know, and do not know me?

Continue reading below ↓

“And at the end of the day, kapag na-bash ka, ikaw pa ang mag-e-explain. Bakit?”

Patuloy ni Angelu, “Nor for anything. I’m not saying they’re bad, but for our sanity’s sake, bakit kita bibigyan ng problema?

“‘Tapos, bigla akong mag-i-explain sa iyo na parang ako ang may mali. E, may personal din akong opinyon.

“Sometimes, there’s a level of maturity rin what to post, di ba?”

Nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa media launch ng Kapuso afternoon drama series na Inagaw Na Bituin last week.

Sa araw na ito, February 11, nagsimula na ang Inagaw Na Bituin na pinagbibidahan din nina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Jackielou Blanco, Manolo Pedrosa, at Marvin Agustin.

HANDLING NEGATIVITY

Paano niya hinaharap ang mga negatibong komento o anumang may kinalaman sa kanyang buhay?

Ayon kay Angelu, “Yung mga nababasa ko? Naaawa ako dun sa iba.

Continue reading below ↓

“Naaawa ako kasi it’s a negative energy na kahit hindi mo naman pansinin, it hits you.

“Tao ka lang naman, e. May emosyon ka.

“You know, you have your good days, and your bad days.

“Pag nabasa mo yung bad days, siyempre gusto mong sumagot.

“Pero alam mo, at the end of the day, your peace matters most.

“Kasi, kung hindi ka rin at peace, makikita at makikita yun sa post mo.

“I mean, prayers help a lot, kasi at the end of the day, yung mga saying na, ‘You can’t please everybody,’ ayun na yun. Totoo yun.

“Na you also have... especially like me, I have kids na grown up na, kailangan mindful na rin ako.

“Kasi what I see in it, ‘A, okey lang pala mam-bash, okey lang pala... very opinionated.’

“Ikaw din, may social responsibility ka—what you give out.”

BODY SHAMING

Ano ba ang ayaw niya sa social media?

Continue reading below ↓

Sagot ni Angelu, “What I don’t like about social media is they can have their opinions about you, but you can’t have your opinions about anything.

“Para ngang it’s not really a free world unless, you know, magkulong ka sa kuwarto.”

Isa sa bashings na nararanasan ng mga artista ay ang tungkol sa body shaming.

Pinagdaanan na rin ba niya ito?

Aniya, “Oo naman. Oo naman.

“Pero alam mo, yung as long as I’m comfortable with myself… ako naman yung nakakakita nung buhay ko.

“Ikaw naman ang hindi nagiging kumportable sa sarili ko.

“Kasi kahit anong body shaming sa isang tao, kung kumportable naman yung tao, ikaw yung nagiging... kawawa lang yung nagba-body shame.

“Kasi, ikaw lang yung naba-bother, e, yung tao hindi naman naba-bother. My life goes on.

"And at the end of the day, you can’t change a person by giving them advises. You cannot.”

Dahil mga artista sila, inaasahang magiging inspirasyon sila ng followers nila sa wellness and beauty.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Angelu tungkol dito, “Alam mo, totoo naman yun.

“Pero sana, maka-inspire kami hindi lang sana sa physical.

“We have to go deeper, like, sana magustuhan mo ang isang artista kung ano ang nasa utak niya, paano siya makitungo sa tao, ano yung husay niya sa pag-aartista.

“Yun lang din sana. Kasi, kung mag-iidolo ka nang dahil lamang sa katawan, ang babaw.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
<p>Angelu de Leon: "What I don't like about social media is they can have their opinions about you, but you can't have your opinions about anything. Para ngang it's not really a free world unless, you know, magkulong ka sa kuwarto."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results