Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Veteran singer-actress Armida Siguion-Reyna passes away at 88

by Jojo Gabinete
Feb 11, 2019
<p>Armida Siguion-Reyna, known as one of the most prominent figures in Philippine showbiz, passed away this Monday, February 11. She was 88.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Cris Villonco Instagram

Pumanaw na ang veteran singer-actress na si Armida Siguion-Reyna sa Makati Medical Center ngayong Lunes ng hapon, Pebrero 11. Siya ay 88 years old.

Kinumpirma ng kapatid ni Armida na si Irma Potenciano ang malungkot na balitang ito sa ABS-CBN.

Ayon naman sa isang malapit na kaibigan ni Armida na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), colon cancer ang ikinamatay ng beteranang aktres.

Hindi lamang mang-aawit at aktres si Armida—kilala rin bilang Tita Midz sa sirkulo ng showbiz—dahil producer din siya ng mga pelikula.

Naglingkod din siya bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB Chair)— mula June 1998 to January 2001—sa panahon ng pamumuno ni former President Joseph Estrada.

Kabilang sa di niya malilimutang pagganap bilang aktres ay sa mga sumusunod na pelikula: Atsay (1978), Paano Ba Ang Mangarap (1983), Partida (1985), Magdusa Ka (1986), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995), at Filipinas (2003).

Continue reading below ↓

Ang Hihintayin Kita sa Langit (1991), Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992), Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin (1997), at Ang Lalake sa Buhay ni Selya (1998) ang ilan sa blockbuster movies ng Reyna Films, ang film company na itinatag ni Tita Midz noong 1991.

Nakilala rin si Tita Midz bilang host ng Aawitan Ka, ang kanyang multi-awarded musical show na tumagal ng 34 years sa telebisyon.

Noong 2015, naglabas si Tita Midz ng kanyang autobiography, ang Armida: Unfinished Memoir—The Singer and the Song.

Continue reading below ↓

Half-sister si Tita Midz ni former Senator Juan Ponce Enrile.

Anak niya ang direktor na si Carlos Siguion-Reyna, ang asawa ng writer-director at former MTRCB member na si Bibeth Orteza.

Mga apo niya ang singer-actress na si Cris Villonco at ang aktor na si Rafa Siguion-Reyna.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
armida siguion reyna dies
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Armida Siguion-Reyna, known as one of the most prominent figures in Philippine showbiz, passed away this Monday, February 11. She was 88.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Cris Villonco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results