Lito Lapid killed off in Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Feb 11, 2019
<p>Lito Lapid bids goodbye to his Romulo "Leon" Dumaguit in the ABS-CBN prime-time series.</p>
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Nagwakas ngayong gabi, February 11, ang halos dalawang taon na special participation ni Lito Lapid sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Magsisimula na bukas, February 12, ang 90-day campaign period para sa mga senatorial candidate kaya hindi na siya puwedeng mapanood sa mga pelikula at television series.

Nagsimula noong nakaraang Biyernes, February 8, ang pagkakaroon ng sariling moment sa role ni Lito bago ito pinatay ni Alakdan, ang karakter na ginagampanan ni Jhong Hilario.

Continue reading below ↓

Romulo "Leon" Dumaguit ang pangalan ni Lito sa Ang Probinsyano.

Sa dalawang huling gabi ng kanyang mga eksena sa prime-time action-drama series ni Coco Martin sa ABS-CBN, binigyan ng highlight ang husay niya sa paggamit ng baril at pagsakay sa kabayo.

Nagpaalaala ito sa lahat kay Leon Guerrero, isa sa mga popular character na ginampanan ng 63-year-old actor sa 1980 movie na Ang Pagbabalik Ni Leon Guerrero.

Ang matagal at nightly exposure ni Lito sa top-rating program ni Coco ang sinasabing dahilan kaya consistent na nangunguna ang kanyang pangalan sa mga senatorial survey.

Nagkakaisa ang karamihan sa paniniwala na isa si Lito sa mga nakinabang nang husto sa paglabas niya sa Ang Probinsyano dahil nagpalakas ito sa public awareness sa kanyang senatorial bid.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Lito Lapid bids goodbye to his Romulo "Leon" Dumaguit in the ABS-CBN prime-time series.</p>
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results