James Reid, Nadine Lustre quietly celebrate third anniversary

by Bernie V. Franco
Feb 12, 2019
<p>Showbiz couple Nadine Lustre and James Reid celebrate their third anniversary by staying at a nature-inspired resort in Batangas.</p>
PHOTO/S: @nadine and @james on Instagram

Ipinagdiwang nina James Reid, 25, at Nadine Lustre, 25, ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan sa isang private resort.

Ito ay base sa mga larawan at videos na ibinahagi nila via Instagram Stories nitong Lunes, February 11—mismong araw ng kanilang anibersaryo.

Base sa komento ng ilang JaDine fans, sa The Farm sa San Benito, Lipa, Batangas, nagdiwang ng anibersaryo ang magkasintahan.

Ang The Farm ay isang 48-hectare resort para sa nature-lovers at nagnanais ng holistic healing.

Simple ang anniversary greeting ni Nadine sa kanyang boyfriend na si James via Instagram.

Kalakip ng larawan ni James, mensahe ni Nadine: “ilyssm @james [heart emojis]” o I love you so, so much.

View this post on Instagram

ilyssm @james ????

A post shared by Naddie ???? (@nadine) on

Nag-post naman si James ng larawan nila ni Nadine na kuha sa isang man-made falls sa naturang resort.

Simpleng caption ni James, “HEALING [heart emoji]”

View this post on Instagram

H E A L I N G ??

A post shared by James Reid (@james) on

Ilan sa mga larawang ibinahagi nina James at Nadine sa kanilang Instagram Stories ay ilang aktibidad na kanilang ginawa sa resort; gaya ng paliligo sa pool na may flower petals, pagkain ng healthy dishes, at simpleng pagpapahinga.

Continue reading below ↓

Kinumpirma nina James at Nadine ang kanilang relasyon sa JaDine In Love concert nila sa Araneta Coliseum noong February 20, 2016.

Sa backstage interview, ikinuwento ni James na sinagot siya ni Nadine noong February 11, 2016.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Showbiz couple Nadine Lustre and James Reid celebrate their third anniversary by staying at a nature-inspired resort in Batangas.</p>
PHOTO/S: @nadine and @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results