Kathryn Bernardo explains accidentally unfollowing Daniel Padilla on Instagram

by Melba R. Llanera
Feb 12, 2019
<p>Kathryn Bernardo calms down fans fretting over her accidental unfollowing of boyfriend Daniel Padilla's Instagram account. "Walang dapat ipag-alala. Sobrang okay kami. May mga iba akong artista na naba-block talaga accidentally, nagugulat sila. Di ko talaga yun sinasadya."</p>
PHOTO/S: Daniel Padilla Instagram

Nilinaw ni Kathryn Bernardo ang balitang pag-unfollow niya sa kasintahang si Daniel Padilla, na ang pinagmulan ay ang aksidenteng pagkaka-block niya sa account ng aktor sa Instagram.

Lumikha ito ng pag-aalala sa KathNiel fans, dahil umusbong ang espekulasyong baka may pinag-awayan ang magkasintahan.

"Natatawa ako na napansin pa nila yun," umpisa ni Kathryn nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa FDCP 3rd Ambassador's Night na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig, nitong weekend.

"Pero yun, sinabi ko na na walang dapat ipag-alala. Sobrang okay kami.

"May mga iba akong artista na naba-block talaga accidentally, nagugulat sila.

"Hindi ko talaga yun sinasadya. Wala, kini-clear ko talaga na wala."

Ano ang naging reaksyon ni Daniel nang malaman nito ang aksidenteng pagkaka-block sa boyfriend sa Instagram.

"Wala, hindi naman siya masyadong nagso-social media, so di niya nga alam, feeling ko," sabi ni Kathryn.

Continue reading below ↓

KATHNIEL NOT YET ENGAGED

Ilang araw bago pumutok ang naturang isyu ay lumabas din ang balitang nag-propose na raw si Daniel kay Kathryn nung nasa Japan sila, at engaged na sila.

Binigyang linaw rin ng Kapamilya actress na walang katotohanan ang balitang lumabas.

"Oo, ito kasing sila Mama, baliw sila. Wala, wala yun."

View this post on Instagram

#VisitJapanPhilippines #KathnielLovesJapan ???? @adrepublika

A post shared by Kathryn Bernardo ???? (@bernardokath) on

Nang kumustahin ang lagay ng relasyon nila ni Daniel, sinabi ni Kathryn na maayos at masaya ito.

Sinang-ayunan din ng aktres ang sinabi ni Daniel sa nakaraang interview nitong hiwalay ang pagiging artista nila sa pagiging magkasintahan, kung saan normal silang mga tao.

"Sobrang saya, and tumatanda na kami, ang mature na namin ngayon, feeling ko.

"Sa ngayon, trabaho na muna, [then] pahinga kami... normal."

Marami sa KathNiel fans ang naghihintay kung kailan sila muling magsasama sa isang proyekto, dahil kapansin-pansing mukhang pinaghihiwalay muna sila sa mga trabaho.

Sagot ni Kathryn ukol dito, "Hiwalay? Oo siguro tapusin muna namin ang mga projects namin individually.

Continue reading below ↓

"Hindi ko alam kung kailan uli ang next project namin.

"Ang dami rin kasing magagandang projects ang naka-line up ngayon for DJ, sa akin, so gusto ko magawa niya muna yun and excited siya dun."

Dagdag pa niya, "Si DJ, nae-enjoy niya yung break niya ngayong Feb.

"Ako, kapapaalis ko pa lang ng wisdom tooth ko, so kababalik ko pa lang din sa trabaho ngayon.

"Puro shoots ako this Feb and meetings."

STORIES WE ARE TRACKING

DANIEL'S TOPLESS PHOTO

Sa Valentine's Day, February 14, plano ng magkasintahang Kathryn at Daniel na i-celebrate ito sa isang beach kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Ayon kay Kathryn, "Magdadagat as usual, magbi-beach kami.

"Kung saan man yun, malalaman ninyo din naman.

"May friends, sunod sila. Excited kami.

"Beach? Parati naman, pag may free time kami, nagbi-beach. Lalo na dito sa atin, ang daming beaches."

Nag-post si Daniel sa kanyang instagram account kung saan topless ito.

Ayon kay Kathryn, maganda ang pagkakakuha nito.

Continue reading below ↓

Reaksyon ni Kathryn tungkol dito, "Sakto lang. Nakakapanibago pero maganda yung shots na pinost niya."

View this post on Instagram

Hot tub time machine

A post shared by Daniel (@supremo_dp) on

THE HOWS OF US

Pinarangalan ang 2018 film nina Kathryn at Daniel na The Hows Of Us sa FDCP 3rd Ambassador's Night.

Ito ay dahil sa kinita nitong PHP805 million worldwide, at naitala bilang highest-grossing Filipino film of all time sa ngayon.

Masaya at proud naman si Kathryn sa nakamit na parangal ng pelikula nila ni Daniel.

Saad niya, "Sobrang saya at kinakabahan ako kasi first time kong um-attend sa event nila.

"Ang taas ng respeto ko sa FDCP so nakaka-proud.

"Sabi kasi nila Ate Carmi, lahat kami na parte ng The How's Of Us, ang saya naming lahat na ire-receive namin ang award na ito para sa pelikula namin."

Sa victory party nung 2018 ay naging emosyunal si Kathryn nang kumita nang malaki ang The Hows Of Us sa takilya. Inamin noon ng Kapamilya actress na nagdalawang-isip siya noong una kung tatanggapin ang nasabing project.

Continue reading below ↓

Para kay Kathryn, sobra-sobra ang naging sukli sa hirap at dedikasyon na ibinigay nila sa pelikula.

Kuwento niya, "Oo naman, kahit nung last year pa lang, sobra-sobra pa ang ibinalik sa amin ng pelikulang ito hanggang ngayon na 2019 na, pero grabe pa rin.

"Continuous ang blessings na nare-receive namin for The Hows Of Us. Grabe, napaka-overwhelming niya!

"Ang saya, grabe, grabeng blessings namin ni DJ and Star Cinema.

"Mas nai-inspire siyempre, ito yung pinaka-fulfilling sa amin, e, itong mga moments na ganito.

"Of course, nandun yung pressure. Kailangan mo yun, sa next project mo iba ka naman, pero mas mai-inspire ka na gumawa ka ng pelikula kasi ang dami mong ita-touch na tao."

Si Kathryn, kasama si Direk Olivia Lamasan at ilang taga-Star Cinema, ang tumanggap ng karangalan ng Camera Obscura, kahilera sila Bianca Balbuena at Kidlat Salamat.

Hindi nakarating si Daniel, na may nauna na raw natanguang commitment, ayon kay Kathryn.

Continue reading below ↓

"Gusto niya talaga pero may nauna talaga siyang schedule ngayon kasama yung family niya.

"Out of town siya ngayon, hindi niya talaga kayang umuwi tonight.

"Nandito din ako ngayon to represent DJ," pahayag ni Kathryn.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kathryn Bernardo calms down fans fretting over her accidental unfollowing of boyfriend Daniel Padilla's Instagram account. "Walang dapat ipag-alala. Sobrang okay kami. May mga iba akong artista na naba-block talaga accidentally, nagugulat sila. Di ko talaga yun sinasadya."</p>
PHOTO/S: Daniel Padilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results