Enrique Gil recalls how Liza Soberano never left his side despite controversy

by Arniel C. Serato
Feb 12, 2019
<p>Enrique Gil reveals that he and Liza Soberano first exchanged "I love you's" when he was in Australia for a tour. </p>
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram

Lalo raw napamahal kay Enrique Gil ang girlfriend na si Liza Soberano nang hindi siya iniwan nito sa gitna ng isang napakalaking kontrobersiyang kinaharap ng aktor noong 2015.

Ito ay ang plane incident na kinasangkutan ni Enrique kasama ang ilan pang Kapamilya stars, partikular na si Jessy Mendiola na nabastos daw ng matinee idol habang nasa flight papuntang London para sa ASAP Live in London.

Matatandaang sabay na humarap sina Enrique at Liza sa ABS-CBN News noon upang magbigay ng pahayag tungkol sa insidente.

Noong panahong iyon ay kainitan ng prime-time series nilang Forevermore.

Continue reading below ↓
IMAGE Courtesy: TWBA

Pahayag ni Enrique sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN kagabi, February 11, “Dun ko nalaman na hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari.

“At alam ko na she knows me, kung saan, once and for all, kilala niya ako.

“And kahit people will judge me, siya, she knows who I am.”

Bago pa man maging pormal ang relasyon nila may dalawang taon na ang nakararaan, inamin ni Enrique na may pag-aalinlangan siyang baka hindi siya sagutin ni Liza.

Sabi niya, “But I just really showed her who I was. I was just a fun guy, nagpapatawa lagi.

“I'm not really trying to put up a front. I just want to show her that it's okay to spill ice cream in your shirt.

"It's okay to go out in the rain sometimes, have fun.”

THE FIRST TIME THEY SAID I LOVE YOU...

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw maipaliwanag ni Enrique kung bakit mahal niya ang 21-year-old Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

Sabi ni Enrique, 26, “Love is unexplainable.

"And If I can really explain what love is, I don’t think that’s real love. You just can’t explain.”

Dagdag pa niya, "It's weird, like, before I met her, I had past girlfriends.

"But after that, sabi ko, hindi ako manliligaw, ayaw ko ng girlfriend until I find this girl.

"Siguro she'll just come."

Una raw silang nagsabihan ng "I love you” habang nasa tour si Enrique sa Australia.

Kuwento ng binata, "For some reason, I just said 'I couldn't stop thinking about her' and I was in Australia.

"Sabi ko, 'Iba na 'to.' I called her up on the phone. It was kinda cheesy.

"Sabi ko, 'I think ito na yata ito, I don't know... pero baka I love you.'

"For two seconds, three seconds, she didn't say anything, and then she said, 'I think I like you, too. I love you, too.'

Continue reading below ↓

"And I was in Australia, I was, like, 'I got to go back home.'"

ENRIQUE: "SHE'S MY LIFE."

Sa ngayon daw, maituturing ni Enrique si Liza na kanyang buhay.

Sabi pa ni Boy, “Complete the sentence. Liza is…?”

Tugon niya, “She’s my life.”

Dagdag ni Boy, “I am Enrique Gil and…?”

Diretsong tugon ni Enrique, “I am Enrique Gil and I’m the luckiest man alive.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Enrique Gil reveals that he and Liza Soberano first exchanged "I love you's" when he was in Australia for a tour. </p>
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results