Carmina Villarroel does not regret marrying Rustom Padilla: "I cannot delete those chapters in my life."

by Arniel C. Serato
Feb 13, 2019
<p>Carmina Villarroel on her memories with ex-husband Rustom Padilla: "I cannot delete those chapters in my life. And kung ano ako ngayon and kung paano ako ngayon as a person, it's because of my past. It's because of my experiences before... it's part of my life already."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Muling napag-usapan ang ex-husband ni Carmina Villarroel na si Rustom Padilla sa presscon ng bagong prime-time series ng GMA-7 na Kara Mia kagabi, February 12.

Nagsimula ito nang banggitin ng co-star niyang si John Estrada na mahabang panahong hindi sila nagkatrabaho ni Carmina, pagkatapos umalis ng aktres sa defunct ABS-CBN sitcom na Palibhasa Lalake noong 1993.

Ayon kay John, marami na ang mga nangyari sa kanilang buhay, katulad na lamang ng kanyang pag-aasawang muli.

Ang unang asawa ni John ay ang aktres na si Janice de Belen. Nang magkahiwalay sila ay pinakasalan ng aktor ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Sinabi naman ni Carmina na siya rin ay nag-asawa ring muli.

Dito na nagkatawanan ang lahat.

Nagpakasal sina Carmina at Rustom noong 1994 ngunit naghiwalay sila noong 1997.

Noong 2006, habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya bilang housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, ay inamin ni Rustom na isa siyang gay.

Continue reading below ↓

Noong 2009 naman ay idineklara ng dating asawa ni Carmina na "Rustom is dead" at pagsilang ng bago niyang katauhan na si BB Gandanghari.

Si Carmina naman ay masaya na ngayon sa piling ng asawang si Zoren Legaspi at ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy.

CARMINA: "THAT'S REALLY MY PAST..."

Pagkatapos ng question-and-answer portion sa media conference ng Kara Mia, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina kung ano ang nararamdaman niya tuwing natatanong siya tungkol sa ex-husband.

Nakangiting tugon niya, “Wala naman, kasi that’s really my past, as much as gusto ko kalimutan or burahin.

"I cannot, I cannot delete those chapters in my life.

"And, kung ano ako ngayon and kung paano ako ngayon as a person, it’s because of my past. It’s because of my experiences before.

"So, wala, wala, it’s part of my life already.

Continue reading below ↓

“Mag-move on na lahat, wala na namang issue.”

Wala ba siyang pinagsisihan sa nakaraan nila ng dating asawa?

Diretsong sagot ni Carmina, “Kasi natuto na rin ako na wala namang mangyayari if i-regret mo ang isang bagay, e, di ba?

"Like I said, you just learn from your mistakes.

“You just learn from whatever is in your past and then huwag mo na lang gawin, ulitin.

“Marami naman akong natutunan from that experience.”

CLOSED CHAPTER

Nakalimutan na ba niya totally ang bahaging iyon ng buhay niya?

Sagot ng 43-year-old actress, “Hindi ko sinasabing na-erase, pero sobrang tagal na noon.

“I’m so young then, ang dami kong puwedeng isipin na magagandang bagay.

“I don’t dwell on the past. Wala na, e, wala nang kailangang anuhin sa past, e.

"So, oo, nakalimutan ko na talaga.

"Pero hindi ko sinasabing hindi ko na siya kilala, ha, pero huwag na nating balikan... parang ganun.”

Continue reading below ↓

Halimbawang magkasalubong sila ni BB, may posibilidad bang mag-uusap silang muli?

Ayon kay Carmina, “Oo naman, nagkita na kami dati.

“Kasi wala siya dito, di ba?

“Even before he left, nagkita na kami, ‘Hi, hello,’ wala namang problema.”

So, closed chapter na sa kanya ang nakaraan nila ni Rustom?

“Oo super, naka-lock pa!” natatawang sagot ni Carmina.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Carmina Villarroel on her memories with ex-husband Rustom Padilla: "I cannot delete those chapters in my life. And kung ano ako ngayon and kung paano ako ngayon as a person, it's because of my past. It's because of my experiences before... it's part of my life already."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results