Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jolo Revilla confirms relationship with beauty titlist Angelica Alita

by Rachelle Siazon
Feb 14, 2019
<p>Cavite Vice Governor Jolo Revilla finds love anew with Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.</p>
PHOTO/S: @jolo_revilla Instagram

Ngayong Valentine's Day, February 14, inihayag ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang relasyon nila ni Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.

Ito ay matapos ang ilang linggong espekulasyon tungkol sa mga pagkakataong namataang magkasama ang dalawa.

Ipinakita ni Jolo, 30, sa kanyang Instagram post ang isang litrato kung saan nakaakbay siya kay Angelica, 23, sa isang di tinukoy na lugar.

Sabi ni Jolo: "Angel, happy valentine's day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life.

"You've been caring, loving and supportive to me.

"I love you and will always will. [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Natutuwang inamin naman ni Angelica na sinorpresa siya ni Jolo ngayong Valentine's Day.

Sa kanyang hiwalay na Instagram Story, ipinakita niya ang bouquet of roses na galing sa binata.

Kalakip nito ang isang gif na nagpapakita ng kilig ng dalaga sa sweet gesture ni Jolo.

Aniya: "I got a little confused when I saw you running towards the door, the only time I saw you run that fast was when you heard the binatog vendor pass by [peace, laughing with tears emojis]

"May pasabog ka pala [double hearts emoji]

"Thank you bebi. Happy valentine's day. @jolo_revilla"

Continue reading below ↓
IMAGE @angelicaalita Instagram Story

HIKING DATE IN L.A.

Sinundan ito ni Angelica ng isa pang Instagram post, kung saan inihayag din niya ang pagmamahal para kay Jolo.

Ibinahagi rin ng dating beauty titlist ang hiking date nila ni Jolo sa Hollywood sign sa Los Angeles, California.

"Paakyat tayo ng Hollywood sign pinili mong gumawa ng sarili mong trail pero dahil game ako di ako nagreklamo, nangangalahati na tayo sabi mo 'Balik na tayo' tumawa ako kasi naisip ko medyo naduwag ka na so sabi ko 'Kaya natin yan!'

"Hindi ko naisip na wala pala tayong dalang tubig, around 100ml lang tapos mag share pa tayo [laughing with tears emoji] Wag na natin ulitin yun, okay? [laughing with tears emoji]," balik-tanaw ni Angelica.

Hindi raw niya makakalimutan kung paano siya binitbit ni Jolo kahit na hirap din ito sa kanilang pag-hike.

"Pag dating natin sa taas naawa ako sayo kasi tagaktak na pawis mo [water drops emoji] kaya mas kinilig ako kasi nung sinabi kong pagod na ako binuhat mo ako [heart emoji]

Continue reading below ↓

"Ayan ang story behind this picture, ayaw ko na sana ikwento pero binaba nya din ako after mga 30 seconds kasi hindi nya na kinaya ang bigat ko [laughter with tears and peace emojis]

"Ang ending nakarating din naman kami sa destination namin tapos naligaw kami pabalik. Haha. Happy Valentine's day Pogi @jolo_revilla [double hearts emoji] Mahal kita."

Continue reading below ↓
IMAGE @angelicaalita Instagram

DATING HISTORY

Ang huling girlfriend ni Jolo ay ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Sinasabing on-and-off ang relasyon ng dalawa sa loob ng anim na taon, hanggang sa tuluyan silang naghiwalay bandang June 2018.

Si Angelica ay dating girlfriend ni Brian Poe Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe.

Noong August 2018 ay may Instagram post pa si Brian ng litrato nila ni Angelica.

Pero lumalabas na hiwalay na rin ang dalawa.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Cavite Vice Governor Jolo Revilla finds love anew with Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.</p>
PHOTO/S: @jolo_revilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results