Kambal, Karibal actress Roence Santos arrested for marijuana possession

by Ruel J. Mendoza
Feb 14, 2019
<p>Character actress Roence Santos, who played Black Lady in<em> Kambal Karib</em>al, was arrested in San Juan, La Union, on  February 12, for possession of 25 kilos of marijuana.</p>
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang character actress na si Roence Santos at tatlo pang kasama nito dahil sa pagdadala ng siyam na bricks ng marijuana sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union, noong February 12.

Tumitimbang sa 25 kilos ang siyam na bricks ng marijuana na nagkakahalaga umano ng tatlong milyong piso.

Si Roence, 42, taga-Los Baños, Laguna, ay isang film/TV/stage actress.

Mas kilala siya dahil sa role niya bilang Black Lady sa defunct Kapuso prime-time series na Kambal, Karibal, na pinagbidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Pauline Mendoza, at Kyline Alcantara.

Lumabas din siya sa indie films na Boso, Lasponggols, Mga Anak Ni Brocka, Sandalang Bahay, Miss Pinoy, Puwang, Rotonda, Inang Yaya, Ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro, Melancholia, Boses, at Kubrador.

Inihahanda na ng PDEA ang kaso laban sa aktres at sa tatlo pang kasamahan nitong sina Marty Razon, Gary Herela, at Mark Norega.

Ayon kay PDEA La Union Provincial Officer Darnel Bacate, kasama nila ang La Union police nang ma-intercept ang sports utility vehicle (Toyota Fortuner na may plate number na ASA-2328) na sinakyan ng mga suspek dahil sa impormasyong may dala ang mga itong ipinagbabawal na droga.

Continue reading below ↓

Galing pa raw sa Cavite ang mga suspek.

Kasalukuyang nasa detention facility ng PDEA-Region 1 ang mga suspek habang ongoing ang imbestigasyon sa kanilang ilegal na gawain.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo La Union kay Roence, sinabi nitong hindi sa kanila ang bricks of marijuana na natagpuan sa sasakyan nila.

Ayon pa sa aktres, “planted” diumano ang mga nakitang droga dahil wala silang fingerprints sa mga ito.

Isinalaysay rin ni Roence ang ginawang pangha-harass diumano ng mga pulis sa kanila.

Bumiyahe raw sila sa La Union para mamasyal sa surfing area sa bayan ng San Juan.

Read Next
Read More Stories About
Kambal Karibal
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Character actress Roence Santos, who played Black Lady in<em> Kambal Karib</em>al, was arrested in San Juan, La Union, on  February 12, for possession of 25 kilos of marijuana.</p>
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results