Matteo Guidicelli to Sarah Geronimo: "I love you forever."

by Bernie V. Franco
Feb 15, 2019
<p>Matteo Guidicelli to girlfriend Sarah Geronimo: "You are the most beautiful, magical human being ever!!" </p>
PHOTO/S: @mateoguidicelli on Instagram

Hindi nagpahuli si Matteo Guidicelli, 28, na ipahayag ang kanyang pagmamahal sa girlfriend na si Sarah Geronimo, 30, bago lumipas ang Valentine’s Day, February 14.

Nag-post sa Instagram ang Kapamilya actor-singer ng larawan nila ni Sarah dakong ika-10 ng gabi sa Araw ng mga Puso.

Makikitang magkayakap ang magkasintahan habang nasa likod nila ang malakas na alon.

Ang larawan ay tila kuha sa Batanes.

Ang nakakikilig na caption ni Matteo: “Celebrating Love with you, you’ve made it feel so special, so new, so fresh.

"Thank you for your beautiful soul. I love you forever. Happy valentines!!

"You are the most beautiful, magical human being ever!!"

Nitong January 2019, nagtungo sina Sarah at Matteo sa Batanes para sa isang maiksing bakasyon.

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, hindi naman naiwasang kiligin ng ilan sa kaibigan nilang celebrities sa Instagram post ni Matteo.

Napa-comment pa si Billy Crawford: “So proud of the both of you @mateoguidicelli may the your love for each other grow bro!”

Continue reading below ↓

Kabilang din sa mga tumukso sa post ni Matteo sina Darren Espanto, Erik Santos, Ryan Agoncillo, Kakai Bautista, Charlene Gonzalez, Iya Villania, Martin Nievera, Marco Alcaraz, Kiana Valenciano, at Miles Ocampo.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Matteo Guidicelli to girlfriend Sarah Geronimo: "You are the most beautiful, magical human being ever!!" </p>
PHOTO/S: @mateoguidicelli on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results