Kris Aquino says she will never forgive Nicko Falcis for picturing her as "ang pinakawalanghiyang tao"

by Rachelle Siazon
Feb 15, 2019
<p>Kris Aquino to Nicko Falcis following their online battle: "I'm still here. It didn't work." </p>
PHOTO/S: @krisaquino / @nix722 Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

"I'm still here. It didn't work."

Ito ang buwelta ni Kris Aquino, 48, sa diumano'y paninira sa kanya ni Nicko Falcis, 35.

Kaugnay ito ng kumakalat na audio recording ng phone conversation ng isang babaeng pinagbabantaan ang isang lalaki ng "PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO."

Nag-viral ito sa social media noong January 14, 2019.

Kinabukasan, January 15, inamin ni Kris na siya at si Nicko ang magkausap sa kumalat na audio recording.

Sa mismong kaarawan ni Kris kahapon, February 14, naglabas ang actress/TV host/web star ng four-part video kung saan naghayag siya ng saloobin sa away nila ni Nicko.

Ang mga nag-interview sa kanya ay ang talent manager/actor/radio host na si Ogie Diaz at ang Balita entertainment editor na si Dindo Balares.

Bukod sa pagbibigay ng update tungkol sa kanyang kalusugan, love life, career, at mga anak, ang naging highlight ng panayam kay Kris ay tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Nicko.

Continue reading below ↓

Saad ni Kris tungkol kay Nicko: "When was the last time I saw Nicko face to face? September 18.

"So from September 18 onwards, hindi na kami nagkita.

"The last conversation was September 27. That last illegally recorded conversation occurred.

"So, magmula nung panahon na yun. Siguro nag-ano siya... nag-ipon siya ng kuwento niya at ng mga paninirang gagawin sa akin."

Si Nicko ay idinemanda ni Kris ng 44 counts of qualified theft sa Prosecutor's Office sa pitong siyudad sa Metro Manila —Quezon City, Mandaluyong, Taguig, Pasig, Manila, San Juan, at Makati–noong October 12, 2018.

Diumano, ginasta ni Nicko ang PHP1.27M para sa "personal expenses" gamit ang credit card na nakapangalan dito pero nakalaan sa businesses expenses ng Kris Aquino Cojuangco Productions o KCAP.

Wala raw itong pahintulot ni Kris.

Minsang nasabi ni Kris na bukas ito sa posibilidad na magkaayos sila ni Nicko.

Pero ngayon, desidido raw si Kris na hindi patawarin si Nicko.

Continue reading below ↓

Litanya ni Kris: "There's no remorse. And there's nothing but hatred being thrown my way.

"And there has been zero gratitude when I earned millions for him. Niloko na 'ko. Dinaya na 'ko.

"Pinapamukha pang ako ang pinakawalanghiyang tao sa mundo.

"Bakit ko papatawarin? E, di ang buong Pilipinas sasabihin naman, 'Ang pinakatangang tao sa Pilipinas si Kris Aquino.' No!"

Dagdag ng dating tinatawag na Queen of All Media, "I can forget. He can cease to exist in my life.

"But to forgive? I'm not a saint.

"I can ignore. Siguro that’s the wisest thing I can do—I can ignore the stupidity."

September 23, 2018 unang nag-post si Kris sa kanyang Instagram account tungkol sa hindi pinangalanang personalidad na sumira umano sa kanyang tiwala dahil sa isyung pinansiyal.

Mula noon ay makailang-beses ding nag-post si Kris tungkol sa kanyang pagkakasakit dahil sa taong nanloko sa kanya.

Continue reading below ↓

Hanggang sa nagtungo si Kris sa Prosecutor's Office sa Quezon City upang personal na panumpaan ang reklamong pagnanakaw na isinampa niya kay Nicko noong October 12, 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

NICKO'S VERSION OF EVENTS

Tahimik si Nicko ng mga 86 days, pero noong January 3, 2019, personal na ihinain ng certified public accountant ang kanyang Counter Affidavit sa Office of the City Prosecutor ng Maynila.

Taliwas sa sinasabi ni Kris, nanindigan si Nicko na business expenses ang PHP1.27M na ginasta niya gamit ang KCAP credit card.

Tinawag ni Nicko na "false, baseless, malicious" ang reklamong pagnanakaw na ibinabato sa kanya ni Kris.

Kinuwestiyon ni Nicko na pati ang ginasta noong nagtungo ang KCAP team sa Hong Kong ay sinasabing ninakaw niya.

Dahil kasama raw si Kris at dalawang anak nito sa 17-man entourage na binayaran ang plane fare, hotel accommodation, at food expenses na nakalista sa credit-card charges.

Base sa sinumpaang salaysay ni Nicko, na nailathala sa PEP.ph noong January 4, 2019, idinemanda siya ni Kris upang takutin, gipitin, at piliting sumunod sa "unreasonable demands" ng actress/TV host/web star.

Continue reading below ↓

Kabilang daw rito ang "unilateral termination of our agency agreement ang business arrangements."

Liban doon, mayroon na raw "media plan" si Kris para maprotektahan ang image at reputation nito sa pagwawakas ng kanilang business association.

Isiniwalat din ni Nicko ang insidente nang magharap sila ni Kris sa bahay nito noong September 18, 2018.

Dito raw unang kinuwestiyon ni Kris ang umano'y kuwestiyonableng expenses ni Nicko gamit ang sinasabing credit card.

Ayon kay Nicko, ayaw makinig ni Kris sa kabila ng pagpapaliwanag niya kung bakit business expenses ang mga iyon.

Sa halip ay pinagsisigawan daw siya nito, at pagkatapos ay ipina-ban na raw ni Kris ang pagpasok niya sa exclusive village na tinitirhan ng web star.

Bagamat itinatanggi niya ang mga alegasyon ni Kris, nagdesisyon daw si Nicko na mag-isyu ng tseke, na nagkahahalaga ng P437,595.67 at may petsang September 18, 2018, upang kabayaran sa aktres.

Ito raw ang total amount ng credit-card expenses na kinukuwestiyon ni Kris.

Continue reading below ↓

Ipinaabot daw ito ni Nicko sa chief of staff ni Kris na si Alvin Gagui noong September 19, 2018.

Pero sa hindi raw niya malamang dahilan, nanatili umano ang galit sa kanya ni Kris.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, isiniwalat din ni Nicko na pinagbantaan ni Kris ang buhay niya nang magkausap sila sa telepono noong September 27, 2018.

Noong panahong iyon ay nasa Thailand si Nicko, at ipinaalam daw niya iyon kay Kris.

Ngunit ang nangyari raw ay ayaw na siyang pabalikin ni Kris sa Pilipinas.

Dito raw sinabi sa kanya ni Kris: "Dare to step in this country and you will be dead!"

Kaugnay ng pagbabantang ito sa kanyang buhay, sinabi pa raw ni Kris na may access siya sa travel records ni Nicko, dahil mayroon siyang mga “powerful" na kaibigan.

Ikinatakot daw ito ni Nicko, hindi lang para sa sarili kundi para raw sa ina at dalawang kapatid niyang nasa Pilipinas.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

KRIS: "SA KANILA BASED ON FICTION, AKIN BASED ON FACTS."

Sa pagpapatuloy ng paglalahad ni Kris sa kanyang Facebook video nitong February 14, 2019, sinabi niyang sa korte na lang silang magharap ni Nicko.

"Bakit ko papatulan yung mga kasinungalingan na ako mismo, e, naging buhay ko yun, e? I lived it.

"So why do I have to explain my life to people who have already pre-judged me?

"Why will I say a story na yung sa kanila based on fiction, akin based on facts? Ganun kasimple yun.

"And I gave complete trust in my lawyers. Because there are certain things talaga na hindi nadadaan sa magandang usapan.

"Dahil yung kausap mo are living in a different planet. Yung parang, 'Ha?!' Yung parang, 'Huh?!' Yung ganun.

"Madaling mag-concoct ng version nila.

"Pero bakit ko papatulan yung version na yun when it will steal my peace?

"So I chose silence because I've finally grown up."

Continue reading below ↓

Sa mga artistang naghayag ng opinyon sa awayang Kris at Nicko, iginiit ni Kris na hindi niya papatulan ang mga ito.

Walang pinangalanan si Kris, pero hindi kaila sa publiko na isa si Gretchen Barretto sa naghayag ng reaksiyon sa balitang binantaan umano ni Kris ang buhay ni Nicko.

Sa kanyang Instagram post noong January 5, 2019, pinuri ni Gretchen ang matapang na paglantad ni Nicko upang ihayag ang katotohanan laban sa umano'y pambu-bully at "POWER TRIPPING" ni Kris.

Pero ayaw raw itong sagutin pa ni Kris.

Sabi ni Kris, "They're not involved, e, di ba? Siguro we were raised differently.

"Kasi ang mom ko said, and even my ate tells me, 'If you're not directly involved, never make a comment. Because it will always be a reflection of your character.'"

KRIS TO NICKO: "LET'S TAKE THIS TO COURT."

Mas gusto raw mag-focus ni Kris sa pagbibigay pasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kinasasangkutang kontrobersiya.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Talo kayo kung pikon, e. Hindi kayo tatantanan.

"Choose your battles, di ba? And I chose my battle.

"And the battle I'm choosing is let's take this to court. Yun ang akin.

"And everything else is just noise.

"Noise that will not do my health any good, will not give me peace of mind, will not enrich my relationship with God."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kris Aquino to Nicko Falcis following their online battle: "I'm still here. It didn't work." </p>
PHOTO/S: @krisaquino / @nix722 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results