Nicko Falcis to Kris Aquino: "a lot of brands want you out"; brother Jess calls Kris the "Queen of Mean"

by Nikko Tuazon
Feb 17, 2019
<p>Jess Falcis to Kris Aquino: "Ikaw na nga nag utos kay Kuya na mag Bangkok nuong mid of September, binantaan mo sya nuong September 27 na ipapapatay mo sya at wag babalik ng Pilipinas, TAPOS SASABIHIN MO SA MGA PILIPINO FLIGHT IS GUILT nuong November? Omg madam? ibang level ang malevolence and manipulation mo!"</p> <p> </p>
PHOTO/S: @jesusfalcis / @krisaquino on Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Naglabas ng magkahiwalay na IG posts ang magkapatid na Nicko at Jess Falcis upang sanggain ang mga bagong pahayag ni Kris Aquino.

Sa four-part vlog ni Kris na may titulong "Unscripted with Kris: Birthday Conversations"—na umere sa mismong ika-48 na kaarawan ng actress/web star noong February 14, Huwebes—nag-update ito tungkol sa kanyang endorsements, kalusugan, love life, career, at mga anak.

Ngunit ang nagsilbing highlight nito ay ang mga pahayag niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila nina Nicko at Atty. Jess.

Kinunan ang nasabing four-part video sa bahay ni Kris sa Quezon City noong February 11, Lunes, kung saan in-interview siya ng talent manager/actor/radio host na si Ogie Diaz at Balita entertainment editor na si Dindo Balares.

STORIES WE ARE TRACKING

NICKO TO KRIS: "MOVE ON WITH YOUR LIFE"

Sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, February 17, binigyang diin ni Nicko ang pagbabanta ni Kris sa buhay niya at pati na sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Kalakip ang screenshot ng isang artikulo mula sa ANCX—na may titulong "Kris finds complaint against her "Laughable," Falcis brother says, "Face your case"—sinabi ni Nicko na hindi nito mapapatawad si Kris sa ginawa nitong pangha-harass sa kanila.

Mensahe ni Nicko para kay Kris: "When you said the words, 'Ipapapatay ka ng pamilya ko. Dare to set foot in this country and you will be dead' or threatened even my closest family members, my peers and best friends 'I’ll throw you under the bus' and 'You will be collateral damage', I saw the MOST manipulative, vile and bitter woman ever.

"Yes you were hurt, but that doesn’t give you the right to criminally harass and threaten our lives, which YOU admitted!

"When you open your mouth, all the things you say are libelous! So best for you to SHUT UP about us and move on with your life. Never go near my family and friends again.

Continue reading below ↓

"A death threat is a death threat. Such statements can NEVER be taken lightly nor be 'laughable.'"

Kung noong February 14 ay sinabi ni Kris na hindi niya mapapatawad si Nicko sa pagpipinta sa kanya sa publiko bilang "ang pinakamasamang tao sa mundo," ngayong February 17 naman ay sinabi ni Nicko: "The great amount of stress you caused my family especially to my Mom can NEVER be forgiven."

Matapos nito ay ginamit ni Nicko ang hashtag ng pamilya Falcis sa isyung ito: "NO MORE BULLYING!!! Let’s end this #Krisis."

Ayon pa kay Nicko—isang certified public accountant na sinasabing nakapagsara ng 54 endorsements para kay Kris—marami nang brands ang gustong humiwalay sa actress/TV host/web star.

Aniya, "A lot of people and actually a lot of BRANDS want you out of their lives."

Ito ay taliwas naman sa sinabi ni Kris sa kanyang four-part birthday vlog na isang brand lamang—ang Thai skincare brand na Snail White—ang di na nag-renew dahil umaho sa skin disease niyang chronic spontaneous urticaria.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na post, may pahayag din si Nicko sa sinabi ni Kris na hindi siya napatumba ng audio recording ng phone conversation nilang kumalat sa social media noong Enero.

Sa nasabing audio recording, maririnig ang isang babaeng pinagbabantaan ang isang lalaki ng: "PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO."

Noong January 15, inamin ni Kris na siya nga ang babaeng nasa kumakalat na audio recording.

Continue reading below ↓

Ngunit sa huli ay dinismiss ito ni Kris bilang bluff lamang niya kay Nicko, liban pa raw sa inadmissable ang audio recording sa korte dahil hindi sinabi roon na nirirekord ni Nicko ang usapan.

Tatlong araw matapos nito, noong January 18, nag-file ng complaint ng two counts of grave threats sina Nicko at Atty. Jess laban kay Kris.

STORIES WE ARE TRACKING

ATT. JESS TO KRIS: "HARAPIN MO NAMAN MGA KASO MO."

Samantala, ang nakababatang kapatid ni Nicko na si Atty. Jess Falcis ay nagpahayag din ng saloobin sa mga pahayag ni Kris sa four-part vlog nito.

Sa Instagram post niya ngayong araw, inakusahan ni Atty. Jess si Kris na nasa likod umano ng pagtatangkang burahin ang Instagram account ng abugado/radio commentator.

Aniya: "Hi Kris Aquino! I’m baaack. Ayos na ayos na ang IG ko (nag bug IG sa phone ko for two weeks) akala mo mapapabura mo ang account ko? Haha in your dreams!"

Continue reading below ↓

Karugtong nito, nagpasaring si Atty. Jess kay Kris na harapin naman nito ang mga reklamong isinampa nilang magkapatid laban sa dating tinaguriang Queen of All Media.

"Twice ka na wala sa hearing ng kaso mo. Ako first hearing pa lang sa cyber libel case na finile mo present ako! Harapin mo naman mga kaso mo. xoxo oopps

"P.S. Mukha kang haggard nung birthday balloon pic mo. Plus hindi pantay yung kilay mo. Akala ko ba kilay is life? #Artecaria #QueenOfAllLiars"

Nitong Biyernes, February 15, isang araw matapos ng kaarawan ni Kris, inasahang magsusumite ang web star ng counter-affidavit sa complaint nina Nicko at Jess.

Ngunit hindi sumipot si Kris, na nagtungo raw sa Japan kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Noong February 8 ang unang scheduled preliminary investigation kaugnay sa complaint na ito, ngunit muli itong na-reschedule sa February 22.

Pahabol ni Atty. Jess: "Make sure bumalik ka ah! Kasi di ba, sabi mo last year flight is guilt. Napakatuso ng propaganda mo noh?

Continue reading below ↓

"Ikaw na nga nag utos kay Kuya na mag Bangkok nuong mid of September, binantaan mo sya nuong September 27 na ipapapatay mo sya at wag babalik ng Pilipinas, TAPOS SASABIHIN MO SA MGA PILIPINO FLIGHT IS GUILT nuong November?

"Omg madam? ibang level ang malevolence and manipulation mo!"

Buwelta pa ni Atty. Jess kay Kris: "So ano itong 4-part series mo with Ogie Diaz kung san sinabi mo, the audio didn’t work you’re still here?

"Haller madame wala ka sa hearing ng kaso mong grave threats! You’re still here ka dyan...

"Ang mean ko ba? Kasi sabi mo mean girls kaming magkakapatid eh. Pero kung mean kami, ano ka? Cruella de vil?

"Haha sa dami ba naman ng inaway mo mula kay John Lapus, Aiai delas Alas, at iba pa, ikaw ang QUEEN OF MEAN."

[ED'S NOTE: Habang isinusulat ito ay nawala na sa IG ang post ni Atty. Jess Falcis.]

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Jess Falcis to Kris Aquino: "Ikaw na nga nag utos kay Kuya na mag Bangkok nuong mid of September, binantaan mo sya nuong September 27 na ipapapatay mo sya at wag babalik ng Pilipinas, TAPOS SASABIHIN MO SA MGA PILIPINO FLIGHT IS GUILT nuong November? Omg madam? ibang level ang malevolence and manipulation mo!"</p> <p> </p>
PHOTO/S: @jesusfalcis / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results