John Estrada confirms Derek Ramsay's transfer to GMA-7

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2019
<p>John Estrada on reunion project with former <em>Palibhasa Lalake</em> co-star Carmina Villarroel: "Hindi ko na inisip yung talent fee, yung istorya, umoo na ako."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Sinegundahan ni John Estrada ang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Enero na nalalapit na ang pagpirma ng kontrata sa GMA-7 ng kanyang matalik na kaibigang si Derek Ramsay.

"Malapit na yata. Ayan mga boss, sila makakasagot niyan," pagturo pa ng 45-year-old actor sa executives ng GMA-7 na nasa harapan niya.”

Malaki rin ang pasasalamat ni John sa GMA-7 management na kaagad siyang nabigyan ng proyekto pagkatapos ng Victor Magtanggol, ang unang teleserye niya bilang Kapuso.

Nagwakas ang Victor Magtanggol noong November 2018.

Ngayon naman, makakasama si John sa bagong prime-time series ng Kapuso Network na Kara Mia, na magsisimula na ngayong gabi, February 18.

“Nagpapasalamat po ako sa GMA. Haping-happy po ako dito,” sabi ni John sa grand presscon ng Kara Mia noong Martes, February 12.

Umalis si John sa bakuran ng ABS-CBN matapos nilang masangkot ni Mylene Dizon sa kontrobersiya habang ginagawa nila ang primetime series na The Good Son noong 2018.

Continue reading below ↓

Diumano, nasampal ni Mylene si John dahil may hindi raw ito magandang nasabi sa kanya.

WORKING WITH CARMINA

Hindi rin maitago sa mukha ng dating Kapamilya star ang saya dahil nagkasama silang muli ng dating kasamahan sa Palibhasa Lalake na si Carmina Villarroel.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
IMAGE Noel Orsal

Nakangiti kuwento ni John, “Parang batang kapatid.

Continue reading below ↓

“Of course, excited ako kasi matagal na kaming nagkatrabaho ni Mina.

“Tama, way back 1996 or 1997, so from that time, maraming nangyari—nag-asawa siya, ako nag-asawa ulit...

"So, may ibang buhay na yung isa, pero masaya kami.

“Sobrang excited ako nung sinabi ni Ma'am Lilybeth [Rasonable, GMA Senior Vice President for Entertainment] na makakatrabaho ko si Carmina.

“Hindi ko na inisip yung talent fee, yung istorya, umoo na ako.”

Read Next
Read More Stories About
John Estrada, Derek Ramsay
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>John Estrada on reunion project with former <em>Palibhasa Lalake</em> co-star Carmina Villarroel: "Hindi ko na inisip yung talent fee, yung istorya, umoo na ako."</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results