Kylie Padilla admits to being a submissive wife to Aljur Abrenica

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2019
<p>Kylie Padilla on husband Aljur Abrenica: "Married or not, the person doesn't stay the same. Kasi a person is always growing. Dun ako nae-excite na kasama ko si AJ. Kasi, I like him as a person. He's my friend. So I discover more things about him every day."</p>
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram

Inamin ni Kylie Padilla, 26, na ang asawang si Aljur Abrenica, 28, ang nilalapitan niya sa lahat ng mahahalagang desisyon sa kanyang buhay.

Pero kahit may pagka-submissive wife siya, ineengganyo raw siya ni Aljur na magkaroon ng sariling diskarte kahit ngayong mag-asawa na sila.

"I think my automatic is submissive, pero AJ is a feminist. So he always asks my opinion.

"Palagi niya ako isinasama, itinatabi niya ako sa kanya. I-express ko raw yung opinion ko sa lahat ng bagay.

"I feel, like, I've become 'O, sige, partner tayo' kasi hinahayaan niya ako."

Pakiramdam daw ni Kylie ay mas lalo pa siyang na-in love kay Aljur ngayong nakikita niya kung paano ito maging padre de pamilya.

"Ganun pala when you're in a relationship with someone.

"Married or not, the person doesn't stay the same. Kasi a person is always growing.

"Dun ako nae-excite na kasama ko si AJ," pagtukoy ni Kylie sa palayaw ni Aljur.

Continue reading below ↓

"Kasi, I like him as a person. He's my friend. So I discover more things about him every day.

"Tsaka he's such a good father. He's such a wonderful dad."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie pagkatapos ng media launch ng TODA One I Love, ang bagong prime-time series ng GMA Network.

Ginanap ang event sa 17th Floor ng GMA Network Center sa Quezon City, noong January 30.

FROM LIVING TOGETHER TO MARRIED LIFE

Unang naging magkarelasyon sina Aljur at Kylie bandang July 2011.

Pero nagkahiwalay sila noong March 2014, dahil diumano sa isyung third party.

Ngunit pagkatapos ng lampas dalawang taon—o noong September 2016—nagkabalikan muli sina Aljur at Kylie.

Naging magka-live in na sila, bago pa man nabuntis si Kylie.

Nanganak si Kylie noong August 5, 2017, at nagpakasal sila ni Aljur noong December 12, 2018.

May adjustment pa ba ngayong mag-asawa na sila ni Aljur?

Sagot ni Kylie, "Actually, we've been living together for so long. Wala masyadong adjustment.

Continue reading below ↓

"Ang adjustment lang ngayon, bumalik ako sa trabaho. Hinahati ko talaga ang oras ko.

"Pag-uwi ko sa bahay, mommy na lang ako at asawa. At nakakapagod siya, pero kinakaya!"

WORK-LIFE BALANCE

Nanibago lang daw si Kylie dahil nang mabuntis siya noong 2016 ay tumigil siya sa pagtatrabaho.

At noong 2018 ay panay TV guest appearances muna ang tinanggap niyang trabaho.

Nito lang 2019 sumabak si Kylie sa full-length prime-time series ng GMA Network na TODA One I Love.

Siniguro naman ni Kylie na wala siyang reklamo pagdating sa pagbabalanse ng kanyang oras sa trabaho at pamilya.

"Kinakaya! Ganun naman talaga tayo pag love natin yung ginagawa natin, hindi namin masyado nararamdaman ang pagod."

Suportado rin naman daw ni Aljur ang pagbabalik-teleserye ni Kylie at pagbabalik-tambalan ng Kapuso actress at ng dating Encantadia leading man nitong si Ruru Madrid.

Magkaiba man daw sila ng kinabibilangang TV network, masaya ang mag-asawa na mayroon silang personal space pagdating sa trabaho.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
<p>Kylie Padilla on husband Aljur Abrenica: "Married or not, the person doesn't stay the same. Kasi a person is always growing. Dun ako nae-excite na kasama ko si AJ. Kasi, I like him as a person. He's my friend. So I discover more things about him every day."</p>
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results