Alfred Vargas emotional about his Cancer Bill being approved into law

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2019
Alfred Vargas hopes that the Cancer Bill, which he authored and is now approved as a law, will benefit many Filipinos. "Ito na yung umpisa na talagang convenient at mas malakas na fight natin against cancer."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram

Si Alfred Vargas ang principal author ng Republic Act 11215, ang National Integrated Cancer Control Act, kaya hindi niya napigilan ang mapaluha nang maging ganap na batas ang kanyang panukala.

May dahilan ang pag-iyak ni Alfred dahil dedicated niya ang Cancer Bill sa kanyang ina, si Atty. Susana Dumlao-Vargas, na namatay dahil sa uterine cancer noong March 29, 2014.

“Nung pumasa ang Cancer Bill, naiyak ako, kasi nga yung experience ko sa mom ko.

"She was a victim of cancer at ito ang naging inspirasyon ko,” paliwanag ng actor-politician.

Patuloy niya, “I worked with Cancer Society of the Philippines, at two years in the making ito.

“Natuwa ako dahil, finally, naipasa na.

"Sabi ko nga sa Instagram post ko, ‘For mom and country.’ So, sa lahat ng may mga kanser, mga cancer survivor, pati yung families nila, there’s hope.

“At ito na yung umpisa na talagang convenient at mas malakas na fight natin against cancer.

Continue reading below ↓

“Also, because of this law and because of my mom, na-inspire ako na umikot around the country.

“Tuwing nasa labas ako ng Quezon City, nagtatanong din ako sa mga cancer patient and families.

“Alam mo, sa normal na Pilipino, magugulat ka, lalo na sa ating mga mahihirap na kababayan, kapag member ng family, nagkaroon ng kanser, sasabihin na lang ng tatay at nanay, ‘Anak, huwag niyo na akong ipagamot. Ayokong maging pabigat sa inyo.’

“Medyo nasa-shock ako sa mga ganoong sagot kasi ganoon ang approach, dahil alam ng bawat Pilipino na sobrang mahal magpagamot ng kanser. 'Tapos hindi pa sure kung gagaling ka. So, ganoon ang outright attitude.

“Although meron naman ibang families na, ‘Hindi! Hindi ka namin pababayaan. Ilalaban natin ito.’

“Isasangla nila yung kotse, mangungutang sa 5-6, isasangla nila ang lupa nila. In the end, kapag pumanaw yung patient, baon na sila sa utang at yung iba, talagang millions and millions of pesos.

Continue reading below ↓

“Kawawa talaga yung mga Pilipino,” mahabang paliwanag ni Alfred.

“Itong Republic Act na ito, addresses that,” pagtukoy sa panukalang akda niya, at ngayon ay ganap nang batas.

“Sinasabi rito na kayong family, hindi kayo nag-iisa. Tutulungan kayo ng gobyerno.”

Ibinalita rin ni Alfred na dahil sa Republic Act 11215, magkakaroon ng Philippine Cancer Center ang Pilipinas.

“Meron na tayong Heart Center, Lung Center, at Kidney Center.

“Itong batas na ito, magtatatag ng Philippine Cancer Center na bagong ospital na talagang kanser lang ang specialization.

“Hopefully, ilagay sa Quezon City,” ang umaasa na pahayag ni Alfred, na muling tumatakbo bilang representative sa District 5 sa Quezon City.

POSTSCRIPT

Saklaw ng Republic Act 11215 ang mga sumusunod: libre at abot-kaya na mga gamot para sa cancer patients; Cancer Control Policy ( benepisyo para sa empleyado ); benepisyo mula sa Philhealth; cancer assistance fund; tulong at benepisyo sa pagtuligsa sa cancer; proteksyon sa PWD mula sa gobyerno laban sa kahit anong uri ng discrimination sa school; trabaho at pamayanan; mabilis na pagtutulungan ng mga ospital at mga doktor na espesyalista sa kanser para makapagbigay ng tulong sa bawat pasyente.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Alfred Vargas, Elections 2019
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas hopes that the Cancer Bill, which he authored and is now approved as a law, will benefit many Filipinos. "Ito na yung umpisa na talagang convenient at mas malakas na fight natin against cancer."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results