Sammie Rimando on ex-BF Arjo Atayde dating Maine Mendoza: "Basta masaya ako kasi masaya siya."

by Melba R. Llanera
Feb 25, 2019
GirlTrends member Sammie Rimando (right) on finding new love after breakup with Arjo Atayde, who is now dating Maine Mendoza (left): "Sa ngayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin. Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Iwas magbigay ng pahayag si Sammie Rimando tungkol sa nababalitang relasyon ng ex-boyfriend niyang si Arjo Atayde at ng Kapuso star na si Maine Mendoza.

Si Sammie ay miyembro ng all-female group na GirlTrends, na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime program na It’s Showtime.

Inamin ni Sammie ang breakup nila ni Arjo noong November 2018, matapos ang mahigit isang taong relasyon.

Inamin naman ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine noong January 2019, pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon tungkol sa namamagitan sa kanila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Sammie sa ABS-CBN compound noong February 18, sinubukan naming kunin ang kanyang reaksiyon tungkol kina Arjo ay Maine.

Maingat niyang pahayag, "Ayoko sanang magbigay ng comment…

“Hindi naman sa wala akong connection, but it's their personal life.

"Basta masaya ako kasi masaya siya."

Pero ang tiniyak ng GirlTrends member ay naging maayos ang breakup nila ng Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Aniya, "Nagkausap naman kami."

Kung si Arjo ay tila nakahanap na ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Maine, si Sammie ay wala pa raw bagong napupusuan.

Paliwanag niya, “Sa ngayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin.

“Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko."

STORIES WE ARE TRACKING

GIRLTRENDS

Samantala, kinumusta rin namin kay Sammie ang samahan ngayon ng kanilang grupo na GirlTrends, lalo pa’t may ilang miyembro ang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon.

Saad niya, "Wala na, actually kung mayroong problema, open na kami sa isa't isa, hindi naman namin itinatago yun.

“Nag-uusap kami, diretsahan, okay kami.

"Actually, mas naging close kami since nabawasan kami.

“Mas nagkaroon kami ng time to spend together.

“Mas nagkakasabihan kami ng mga issues, maayos kung anuman. Kunwari sa pagsayaw, nagtuturuan kami.

“Mas naging ka-close ko na po ang kagrupo ko."

Continue reading below ↓

Nasubukan na rin ni Sammie na umarte sa pamamagitan ng maliliit na roles sa Wansapanataym at MMK.

Sino sa Kapamilya male stars ang gusto niyang makapareha kung sakaling mabigyan ng break?

Tugon ni Sammie, "Siguro yung ka-age bracket ko, si Yves Flores.

“Nagagalingan ako sa kanya sa generation namin, sa kanya talaga ako nagagalingan."

Sino naman ang gusto niyang sundan ang yapak sa female stars?

"Sa international, si Nina Dobrev.

“Ang nagustuhan ko sa kanya, aside sa pagiging aktres niya, napaka-healthy ng lifestyle niya.

“Sa local, Angel Locsin, kasi kahit ilang taon na ang lumipas, hindi siya nalalaos.

“Yun ang mahirap pag artista, kailangang i-maintain yun."

BIRTHDAY WISH

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Sammie noong February 5.

Ano ang naging birthday wish niya?

Tugon ng dalaga, "Birthday wish ko talaga is magtagal yung Showtime since sila talaga yung nagbigay sa akin ng opportunity na makilalala at makita ko kung anong talento ang mayroon sa akin na hindi ko na-realize na mayroon pala ako."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GirlTrends member Sammie Rimando (right) on finding new love after breakup with Arjo Atayde, who is now dating Maine Mendoza (left): "Sa ngayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin. Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results