Juancho Trivino still on "ligawan stage" with Joyce Pring

by Rommel R. Llanes
Feb 28, 2019
Juancho Trivino on status of relationship with Joyce Pring: "Sa totoo lang, with all honesty, I'm very happy right now."
PHOTO/S: Juancho Trivino Instagram

Hindi pa sila opisyal na magkarelasyon, pero masasabing may mutual understanding na ang Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.

“I’m in a happy state, I’m very happy with my life,” nakangiting sabi ni Juancho.

Kumusta na sila ni Joyce?

“Masaya.”

Sila na?

“Ligawan, nasa ligawan stage kami, pero kaka-start pa lang halos, e.”

Paano sila nagkakilala?

“Matagal na kaming nag-meet, na-meet ko siya 2015, 2014? Hindi pa siya sa GMA nun.

“Social media personality na siya before pa. So, nakikita ko na siya.

“And ever since I met her in an event, nakakausap ko siya and I would see her on my timeline, kung ano ang ginagawa niya.”

Ano ang pinakanagustuhan niya kay Joyce?

Ayon kay Juancho, “Masaya siyang kasama, at maganda yung values niya. Marami, e…

“I’m very comfortable with her and wala akong dull moment kapag kasama ko siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko sa E. Rodriguez Avenue Sr., Quezon City, noong February 20.

Continue reading below ↓

THE REAL SCORE

Kahit sinasabi ni Juancho na nasa ligawan stage pa lamang sila ay marami ang nagsasabing may relasyon na sila o mag-MU na sila.

Kaya sundot na tanong namin kay Juancho: ano ang pumipigil para umamin sila?

Tumawa muna ang Kapuso hunk bago sinabing, “Sa totoo lang, with all honesty, I’m very happy right now.”

Continue reading below ↓

So, mag-MU na sila?

“Well, sana… hindi pa namin napag-uusapan.”

Walang ibang nililigawan si Juancho, at si Joyce ay hindi nagpapaligaw sa iba.

Sabi ng binata, “Gusto ko talaga i-pursue siya, yung traditional way.

"Ang gusto ko liligawan ko siya, I will try to win her heart.

“Pero ngayon kasi, marami rin kaming ginagawa.

“Maliban sa tatlo yung shows ko, may school pa ako. Siya, ang dami niyang events.”

Si Juancho ay napapanood sa gag show na Bubble Gang, sa afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko, at sa morning show na Unang Hirit, kung saan kasama niya si Joyce.

Nag-aaral si Juancho sa De La Salle University sa Taft Avenue ng kursong Business Management.

So, sa ngayon, ang masasabi pa lamang niya ay nanliligaw siya kay Joyce?

“Yeah,” sagot ni Juancho.

“Every now and then at saka sa work, siyempre we see each other..."

Continue reading below ↓

ASAWA KO, KARIBAL KO

Sa Sabado, March 2, ay magwawakas na ang kinabibilangang teleserye ni Juancho sa GMA-7, ang Asawa Ko, Karibal Ko.

Mami-miss daw niya ito kahit na pumasok siya sa teleserye nung kalagitnaan na nito.

Ayon kay Juancho, “Napamahal na rin ako sa show.

"Kahit pumasok ako ng kalagitnaan, the production has been very nice to me. Nakakapag-Unang Hirit pa rin ako, Bubble Gang.

“Kalagitnaan po ako pumasok, hindi ako part ng regular cast.

“Naging masaya ako working with Kris again.”

Una silang nagkasama ni Kris Bernal sa Little Nanay noong 2015.

Patuloy ni Juancho, “Working with Rayver [Cruz], Thea [Tolentino] is my friend... So more or less, yung cast members, yung production and yung direktor, si Direk Mark [Sicat dela Cruz], naka-work ko na before, very welcoming sa akin.

"Kaya nalulungkot rin ako kasi nagtagal rin naman ako dito."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on status of relationship with Joyce Pring: "Sa totoo lang, with all honesty, I'm very happy right now."
PHOTO/S: Juancho Trivino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results