Jackie Forster posts photo of Kobe Paras with rumored girlfriend

by Rachelle Siazon
Mar 1, 2019
Jackie Forster (not in photo) proudly posts photos of her son Kobe Paras and his rumored girlfriend Ponggay Gaston. Left photo is a recent shot taken in Japan, while the right photo was taken from Jackie's Instagram post dated August 2018.
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram

May blessing ni Jackie Forster ang pagkakamabutihan ng anak niyang si Kobe Paras at rumored girlfriend nitong si Pauline Marie "Ponggay" Gaston.

Si Kobe ay basketball varsity player ng U.P. Fighting Maroons, habang si Ponggay ay volleyball player ng Ateneo Lady Eagles.

Pareho silang 21 years old.

Nitong Huwebes, February 28, ibinahagi ni Jackie sa kanyang Instagram Story ang isang litrato ni Kobe kasama si Ponggay.

Kuha ito sa Nara, Japan, kung saan nagbakasyon ang rumored couple noong pagpasok ng January 2019.

Sabi ni Jackie sa caption ng kanyang post: "We mishuTwo @_kokoparas [heart emoji] @pingponggay See you soonest!"

IMAGE @jackie_forster Instagram
Continue reading below ↓

Sumagot naman si Kobe ng "MISS YOU MAMA" sa hiwalay na Instagram Story ng binata.

Kalakip din ng post ni Kobe ang parehong litratong ipinakita ni Jackie.

SUPPORTIVE MOM AND TITAS

Hindi kaila sa mga masugid na sumusubaybay kina Kobe at Ponggay na naka-bonding na ng dalawa si Jackie.

Noong July 2018, isinama ni Kobe si Ponggay sa reunion dinner ni Jackie kasama ang mga kaibigan nitong sina Karla Estrada, Sunshine Cruz, Donita Rose, at Ruffa Gutierrez.

Mismong si Sunshine ang nagsabing aprubado ang special girl na ka-date ni Kobe sa naturang get-together.

Continue reading below ↓

Nang sumunod na buwan, August 2018, nag-post din si Jackie ng sweet birthday message para kay Ponggay.

Sa caption ng Instagram post ng dating aktres ay nagpasalamat pa siya sa Lady Eagles volleyball player dahil pinapasaya raw nito ang anak niyang si Kobe.

HAPPY COUPLE?

Matagal nang nauugnay si Kobe kay Ponggay, base na rin sa mga naglabasang litrato nila sa social media.

Continue reading below ↓

May 2018 nang kumalat sa Internet ang kuha ng dalawa na magka-holding hands sa isang party.

IMAGE @WhatWentDownLastWeekend Facebook

Noong buwan ding iyon ay namataan si Ponggay na nanonood ng basketball game ni Kobe, at naroon din ang kapatid ng huli na si Andre Paras.

Hindi rin nakaligtas sa netizens ang pagbabakasyon nina Kobe at Ponggay sa Japan nitong nagdaang Bagong Taon.

Continue reading below ↓
IMAGE CCTO

Read Next
Read More Stories About
Jackie Forster, Kobe Paras
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Forster (not in photo) proudly posts photos of her son Kobe Paras and his rumored girlfriend Ponggay Gaston. Left photo is a recent shot taken in Japan, while the right photo was taken from Jackie's Instagram post dated August 2018.
PHOTO/S: @jackie_forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results