Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Joyce Ching now engaged to non-showbiz boyfriend

by Bernie V. Franco
Mar 1, 2019
Kapuso actress Joyce Ching is now engaged to non-showbiz boyfriend Kevin Alimon. The two became a couple on the last quarter of 2017.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Kevin Alimon)

“We’re getting married!”

Ito ang ibinalita ng non-showbiz boyfriend ng Kapuso actress na si Joyce Ching, 24, sa kanyang Facebook post nitong February 28, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang fiancé ni Joyce bilang si Kevin Alimon, isang video director.

Kalakip ng Facebook post ni Kevin ay ang wacky shot nila ni Joyce.

Makikita rin ang engagement ring na nakasuot sa daliri ng aktres.

Nag-post din si Joyce sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Kevin nito ring Huwebes ng gabi.

Blurred ang photo nina Joyce ay Kevin dahil ang focus ng larawan ay nasa magkahawak nilang kamay, kung saan kita ang engagement ring.

Simpleng caption dito ni Joyce: “So, this happened three days ago [ring and hearts emojis].”

View this post on Instagram

So, this happened three days ago ????????

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce) on

Sa Instagram naman ni Kevin, nag-post siya ng larawan nila ni Joyce at may caption na “I love you, fiancée!”

View this post on Instagram

I love you, fiancée! ????

A post shared by Kevin Russell (@kevinalimon) on

CONGRATULATORY MESSAGES

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga kaibigang artista ang Instagram post ng aktres.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nag-post ng komento ang kapwa niya Kapuso stars na sina Marian Rivera, Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Bea Binene, Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Thea Tolentino, Martin del Rosario, Sheena Halili, Derrick Monasterio, at Lauren Young; pati na ang Kapamilya stars na sina Ella Cruz, Miles Ocampo, Kristel Fulgar, at Sofia Andres.

Continue reading below ↓

HOW IT ALL STARTED

March 2018 nang lumabas sa PEP.ph ang artikulo kung saan inilahad ni Joyce ang katauhan ng kanyang boyfriend.

Ayon sa ulat, naging magkasintahan sila noong huling bahagi ng 2017.

Nagkakilala raw sila sa Youth Service for Church.

Sa isang TV interview rin noong March 2018, inilahad ni Joyce kung paano nagsimula ang love story nila ni Kevin.

“Siya naman, before pa rin siya mag-start manligaw, ang priority niya talaga is to meet my parents and to tell them yung intentions niya na he's going to pursue me.

“Nag-start rin siya to introduce himself sa parents and sa family ko.

“From time to time, sumasama siya sa 'min when we go out.

“Parang hindi lang ako yung na-get to know niya during the courting stage, pati parents and family ko, nakilala rin niya,” pahayag ni Joyce.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Joyce Ching, Kevin Alimon
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Joyce Ching is now engaged to non-showbiz boyfriend Kevin Alimon. The two became a couple on the last quarter of 2017.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Kevin Alimon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results