Tom Rodriguez excited at idea of becoming a dad, but wants to marry Carla Abellana first

by Arniel C. Serato
Mar 1, 2019
Tom Rodriguez says girlfriend Carla Abellana wants to get married first before raising their own family: "To get married first, wedding, wedding muna."
PHOTO/S: Noel Orsal

“The best partner” ang paglalarawan ni Tom Rodriguez, 31, sa kanyang girlfriend na si Carla Abellana, 32.

Ayon kay Tom, alagang-asawa siya ni Carla kapag magkasama sila.

Kuwento pa ng Kapuso actor, “I’m really looking forward to the real thing.

“The partnership that we have is really ano, e, yun nga yung sinasabi ko na yung iba siguro, o ako naisip ko na dati nung kabataan ko na, ‘You have to find someone na you get along with, na parang kapareho mo.’

“Ganun yung naisip ko dati na parang identical kayo.”

Handa na rin bang maging ama si Tom?

“Ako, excited ako, mahilig ako sa mga bata.

"Sa akin okay, pero sa kanya, ganun muna," ani Tom, sabay muwestra ng daliri na dapat may wedding ring muna ang nobyang si Carla.

Usisa pa namin sa kanya: paano kung aksidente silang magkaanak?

Sagot ni Tom, “Well, that’s a blessing from God.

Continue reading below ↓

“Yeah, for me, pero yun nga, maingat kami sa mga ganung mga bagay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa grand media conference ng Dragon Lady kagabi, February 28, sa Shangri-La Restaurant, Times St., Quezon City.

Bida sina Tom at Janine Gutierrez sa seryeng mapapanood sa GMA-7 simula sa Lunes, March 4, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓
IMAGE Noel Orsal

WEDDING FIRST

Magli-limang taon na ang relasyon nina Tom at Carla.

Nakabili na rin sila ng lupa na pagtatayuan ng kanilang dream house.

Ngunit, hindi pa raw siya nagpu-propose sa girlfriend.

Sa ngayon, ang gusto raw talaga ni Carla ay maikasal muna sila bago bumuo ng sarili nilang pamilya.

Pagtatapos pa ni Tom, “To get married first, wedding, wedding muna.”

Read Next
Read More Stories About
Tom Rodriguez, Carla Abellana
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez says girlfriend Carla Abellana wants to get married first before raising their own family: "To get married first, wedding, wedding muna."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results