Kapamilya singer Regine Velasquez posts encounter with Kapuso actor Alden Richards

by Rachelle Siazon
Mar 3, 2019
Kapamilya singer-actress Regine Velasquez tells Kapuso actor Alden Richards: "Na-miss kita."
PHOTO/S: Noel Orsal / @reginevalcasid Instagram

Ikinatuwa ni Asia's Songbird Regine Velasquez ang pagkikita nila ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Hindi malinaw kung saan nagkrus ang landas ng dalawa, pero kahapon, March 2, ay nagpakuha ng litrato ang dalawa.

Ibinahagi ni Regine ang larawan nila ni Alden sa Instagram account niya.

"Guess who I saw [heart emoji] namiss kita @aldenrichards02 [smiley]," saad sa caption ni Regine.

Continue reading below ↓

Agad namang sumagot si Alden ng: "Miss you too po ate. [lovestruck and prayer emojis]"

Hindi kaila na naging malapit si Regine kay Alden noong panahong nasa bakuran pa ng GMA-7 ang Asia's Songbird.

Nagkatrabaho sila bilang co-hosts sa Kapuso talent show na Bet Ng Bayan (2014).

Bago lumipat si Regine sa ABS-CBN noong October 2018, isa sa mga huling appearances niya bilang Kapuso ay sa concert ni Alden sa Kia Theater noong September 21, 2018.

Continue reading below ↓

Sinabi roon ni Regine na saksi siya sa kababaang-loob ni Alden, kahit na sikat na raw ito noong nakatambal nito si Marian Rivera sa Kapuso prime-time series na Carmela hanggang sa lalo pang nakilala ang binata nang makapareha si Maine Mendoza.

Super fan din daw ang ina ni Regine ng tambalan nina Alden at Maine, o mas kilala bilang AlDub.

Ayon pa kay Regine, malaking tulong ang AlDub upang maibsan ang lungkot ng kanyang inang si Mommy Tess, noong panahong pumanaw ang ama ng Asia's Songbird na si Mang Gerry.

"My father kasi passed away some three, four years ago. And when he passed away, siyempre, malungkot si Mommy.

"Dun yung nag-umpisa yung AlDub! Super siyang na-in love sa inyo ni Maine," kuwento ni Regine noong concert ni Alden.

Dagdag ng Asia's Songbird tungkol sa pagmamahal ni Mommy Tess sa AlDub: "One day, sabi niya sa amin, 'Uy, alam mo naka-move on na ako.'

Continue reading below ↓

"So malaki ang pasasalamat ko at utang na loob namin sa AlDub."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya singer-actress Regine Velasquez tells Kapuso actor Alden Richards: "Na-miss kita."
PHOTO/S: Noel Orsal / @reginevalcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results