Angel Locsin apologizes to fan who wanted a photo-op with her

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2019
Angel Locsin says sorry to a fan who claims that the actress' staff gave her false hope that she will be able to have a photo-op with the Kapamilya star.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Humingi ng paumanhin si Angel Locsin sa isang fan na hindi napagbigyang makapagpa-picture kasama ang Kapamilya actress sa ginanap na Panagbenga Festival sa Baguio City, nitong March 2, Sabado.

Pero ipinagtanggol din ng aktres ang kanyang staff members na sinisisi ng fan kaya hindi siya nakapagpa-picture kasama si Angel.

Nitong weekend ay dumalo si Angel, kasama ang iba pa niyang co-stars sa The General’s Daughter, para sa two-day event sa City of Pines.

Noong Sabado, nag-post si Angel sa kanyang Instagram account ng mga larawang kuha sa event kung saan nagtanghal ang cast ng pinagbibidahan niyang Kapamilya prime-time series.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Sa comments section, isang avid fan (@therealangelsmithrios) ang nagkomento at naglabas ng sama ng loob dahil dalawang staff daw ng aktres ang nagpaasa sa kanyang makakapagpa-picture kasama si Angel.

Pero bandang huli ay hindi napagbigyan.

Naka-tag pa sa post ng netizen ang dalawang staff ni Angel.

Sabi ng netizen: “mga paasa yang dalawang yan sinabi nlang sana na di pwede para di na ako umasa pa! ending NGANGA tuloy inabot ko @therealangellocsin”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa netizen, pitong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita si Angel.

“Linolook forward ko pa sana kase finally aftr 7yrs makikita ulit kita! Ang malas tlaga hinabol ko pa kayo sa backstage mga 30minutes ako naghintay pero nakalabas na daw kayo! Sobrang nalungkot ako!”

Sumagot dito si Angel.

Pahayag ng aktres: “hi! Sorry to heart that I hope magawa natin ito next time may program rin kasi na sinusunod, plus the organizers rin, kaya hindi rin asta pwedeng lumabas or mag decide sila magisa.

"pero pasensya na talaga I know maiintindihan mo naman yun sayang hindi ka nagpunta sa harap para makapagpapic tayo Salamat sa pagpunta Hope to see you tom”

Continue reading below ↓

Muling sumagot ang fan ni Angel at sinabing naghintay siya nang matagal bago siya sinabihang nakaalis na ang aktres.

“30mimutes tsaka lang nila sinabi na lumabas na kayo nagtaka ako kung saan kayo lumabas.

“ang hirap kagabi hinihintay kita mag cr pero sina zanjoe, loisa and ryza lng nag cr!

"Kung dun kna sana sa harapan ko wal nang makakapigil sakin kahit mga guard pa yan, PA mo o make up artist mo ihahug kita ng mahigpit!"

Continue reading below ↓

Nag-reply muli si Angel, na tila hindi pumapabor sa hindi magandang sinabi ng fan sa kanyang staff.

Komento ng aktres: @therealangelsmithrios doesn’t mean na inaallow kong idisrespect ang staff ko ha? Mahal ko mga yan.”

Humingi naman ng dispensa ang fan kay Angel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin says sorry to a fan who claims that the actress' staff gave her false hope that she will be able to have a photo-op with the Kapamilya star.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results