PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sitti debunks rumors saying the Sessionistas will disband

The Sessionistas will perform at the Araneta Coliseum on February 5.
by Melba R. Llanera
Published Jan 21, 2011
Sitti (in photo) will perform with Aiza Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Duncan Ramos, Richard Poon, and Nina for their February 5 concert ASAP Sessionistas 20.11, which will be held at the Araneta Coliseum.

Ang segment ng mga Sessionistas ang isa sa mga inaabangan ng mga manonood sa programang ASAP ng ABS-CBN. Binubuo ang grupo na ito mga singers na nakilala sa kani-kanilang mga genre ng musika: sina Aiza Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Duncan Ramos, Richard Poon, Sitti Navarro at Nina.


Matagal marami ang nagulat nang lumabas ang balita na madi-disband na rin daw ang Sessionistas tulad daw ng ibang grupo.


Sa nakaraang presscon ng ASAP Sesssionistas 20.11, na mapapanood this coming February 5 sa Big Dome, agad naming hiningan ng reaksyon si Sitti tungkol sa lumabas na balita.


"Actually every Sunday lang naman kami nagkakasama-sama sa ASAP and the rest of the week, the rest of the day, solo-solo na kami sa mga shows, lakad pero kung totoong madi-disband, nakakalungkot but I don't think it's true coz I believe marami ang nakakagusto sa segment namin.

Walang permanenteng bagay sa mundo at dahil usung-uso ang pagkaka-disband sa ngayon ng mga grupong inakala mong matatag na gaya ng Bamboo at ng iba pa, aminado si Sitti na mahe-hurt siya lalo't naging malalapit na niyang kaibigan ang mga kasama sa Sessionistas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Sila ang pinakamalapit na friends ko sa business, yung mga paghihintay namin sa dressing room, pagkain namin ng pansit, dun nabuo yung friendship namin. Pag nagpi-perform kami, parang naglolokohan lang pero mararamdaman mo yung pagmamahal ng bawat isa sa music. It's so hard to find fellow artists na kapareho mo ng passion pero nandun pa rin yung element ng fun. Yung iba kasi sobra career sa trabaho nila."


Sitti is also proud na walang sapawan sa grupo niladi gaya ng iba na ito ang nagiging problema at issue.


"Yun ang gusto ko sa amin, pantay-pantay kaming lahat at nirerespeto namin ang bawat is. Pag it's their time for spotlight, ibinibigay namin yun."


Nakilala sa genre ng bossa pero kahit sa ganitong tipo ng musika siya tinangkilik ng tao, gusto pa rin ni Sitti na subukan ang iba lalo na ang pop.

"Nakatulong naman talaga siya ng malaki sa akin, kumbaga parang yun ang naging claim to fame ko, at nakakatuwa kasi ang daming blessings na ibinigay sa akin ang genre na yun and people identified me with the genre. Pero kasi gusto naming mag-offer ng bago kasi this is my fifth year in the business na yata. Ngayon unti-unti naming pinapalitan yung perception na yun ng mga tao. Sa live gig ko and actually itong new album ko na lalabas this year, it's gonna be less bossa na para naman maiba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Minsan naging very emotional nang mapag-usapan ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng non-showbiz boyfriend pero nang tanungin namin si Sitti ay iwas nang magbigay ng detalye tungkol dito ang bossa singer.


"Ngayon chill lang ako sa lovelife, ang priority ko ngayon is my career and family. Basta ok naman ako, dati kasi emotional talaga ako, alam ninyo pag babae pero ngayon career ko ang focus ko."


Tiyak na aabangan ng mga avid fans ng Sessionistas ang nalalapit nilang concert this coming February 5 sa Araneta Coliseum titled ASAP Sessionistas 20.11. Sitti assured concertgoers na mage-enjoy ang mga manonood sa gimik at mga gagawin nila sa nasabing event.


"Yung level ng pagiging fun and jamming ng Sessionistas ganun pa rin like nung 2009 na show namin pero sa concept ng show namin, natuwa ako kasi para siyang history ng music, mula 40's until current na mga hits so ibang klase talaga siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


"Ako, I'm inviting everyone na sana panoorin nila yung show namin, it's a pre-Valentine's offering naming ASAP Sessionistas this coming February 5 at the Big Dome. Isang gabi ito ng super fun jamming."

Read Next
Read More Stories About
Sitti, music, concert
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sitti (in photo) will perform with Aiza Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Duncan Ramos, Richard Poon, and Nina for their February 5 concert ASAP Sessionistas 20.11, which will be held at the Araneta Coliseum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results