PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache, Dekada Awardee of Gawad Urian, hopes stars of today will aim for longevity

The veteran actress also recalls her experience of shooting Cinemalaya entry Isda in a Malabon dumpsite.
by Ricky Calderon
Published May 20, 2011
Cherry Pie Picache (in photo) says that she has one thing in common with fellow Dekada Awardees of Gawad Urian, Gina Pareño and Coco Martin: "We all rose from the ranks."

Sa ika-34th Gawad Urian, tinanggap ni Ms. Cherry Pie Picache ang kanyang parangal bilang isa sa tatlong Dekada Awardee ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Ayon sa aktres, isa itong milestone sa kanyang career.


"Parang ang bata ko para makatanggap ng Dekada Award pero natutuwa ako because I am in good company," pahayag ni Cherry Pie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang eksklusibong panayam recently. Kasama ni Cherry Pie na pararangalan bilang pinakamahuhusay ng aktres ng dekada 2000 to 2009 sina Ms. Gina Pareño at si Coco Martin.


"Dati pangarap ko lang manalo ng Urian Award when I was starting in the business. Tapos ngayon Dekada Awardee na ako. Talagang napa-wow ako nang ibalita ito sa akin ni Kuya Ed [Instrella, her manager]. Parang bonus sa akin na mabigyan na ng ganitong klaseng parangal at pagkilala."


Ilang ulit din naman nagkamit ng nominasyon sa Urian si Pie bago siya nagkamit ng acting awards mula sa critics' group. Dalawa na ang kanyang best actress trophies mula sa Urian; her first was for the comedy Bridal Shower in 2003 na dinirek ni Jeffrey Jeturian. Muli siyang nagwagi for Foster Child in 2007, na dinirek naman ni Brillante "Dante" Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Significant sa kanya ang dalawang movies dahil ang mga ito rin ang nagbigay sa kanya ng acting recognition mula sa Golden Screen Awards (given by the Entertainment Press Society). Nanalo siya ng Best Performance by an Actress in a Leading Role (Musical or Comedy) para sa "Bridal Shower" noong 2003. Tapos wagi rin siya noong 2007 for Best Performance by an Actress in a Leading Role (Drama) for Foster Child. Bukod diyan nagwagi rin siya ng Best Supporting Actress mula sa Golden Screen Awards in 2006 for Twilight Dancers.

Pie is elated that she's in good company with Gina Pareño and Coco Martin. "We have one thing in common. We all rose from the ranks. Tita Gina was star during her heyday (Star 66), then bowed out of the scene, then resurfaced later. Ako naman, I was never a star but slowly I was able to make a name for myself. Even Coco had a long hard climb before he was recognized as an actor and became a star that he is now," wika ni Pie.


"I hope na sana ang panalo namin ay magsilbing inspiration, especially to the younger generation na it doesn't stop with good looks. I mean, hindi lang good looks at popularity ang puwede ninyong asahan. You have to work hard and never cease to learn about your craft.


"Kasi sa generation ngayon, parang ang dami-dami, tapos after that wala na. Parang walang longevity. Saka parang kailangan mag-create like sino ang susunod na Dindo Fernando, Jay Ilagan, Bembol Roco, Joel Torre, Piolo Pascual. Parang wala kang masabi na ibang names except for Coco Martin or Sid Lucero. Yung mga poste.


"Tapos yung pasasalamat ko sa mga naging idols, like putting me back to the time when I was starting. Dati kasi I got nominated then I got awards. Ngayon dekada na tapos bumalik, so paano na. I am also grateful to the pillars that I look up to. Naalaala mo iyon like 'yung mga director na marami akong natutunan. Yung mga actors that I look up to. Tapos ang wish mo, dahil ikaw na ang mature, ikaw na 'yung pillar, then you wish na 'yung younger generation will emulate you, would learn to look back and ma-realize na ang craft trinatrabaho continuously. And that it doesn't stop with good looks and popularity," patuloy niya.


Hindi raw niya na-imagine na one day, magiging Dekada Awardee siya sa Urian. "I was surprised tapos nang malaman ko kung sino ang iba pang awardee, plus 'yung ibang nabigyan ng Dekada Award, you are humbled and you realize how grateful you are. I must admit that it is also a pat on the shoulder. Habang tumatanda ka, mas humihirap. Mas tumatanda ka, mas nagiging aware ka," wika niya.


"Tapos medyo may mga frustrations kasi pag tumatanda ka, honestly, hindi na lang sarili mo ang iniisip mo. Ang mas concern mo na ngayon ay yung mismong industriya na ginagalawan mo, yung future noon kasi ganoon mo na kamahal ang industry. You want it to be better kaya siguro mas mahirap. Hindi katulad noong bata ka pa, ang iniisip mo lang paano ka sisikat, paano ka magiging popular, paano ako kikita ng pera, so mas madaling i-handle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Eh pag tumatanda ka na, iniisip mo na kung ano na ang magiging future ng industriya. Ano ang state namin? Ganito na lang ba? Not only with actors but with writers as well. Tapos masasabi mo na bakit puro ganito na lang tayo, wala bang improvement? Mayroon ka nang frustrations, so it's harder. So when you get acknowledged like this, awards and recognition, it's a pat on the shoulder. Nakakawala ng frustration and at the same time nakaka-inspire manalo ng award."


ON HER CINEMALAYA ENTRY, ISDA. May bagong project si Cherry Pie na sadyang kakaiba. Titled Isda, mula sa direksiyon ni Adolfo Alix Jr., entry ito sa Director's Showcase ng Cinemalaya this coming July.


"Excited ako roon. After Foster Child, eto na naman ang isang kakaibang role. Ang hirap-hirap. For one, it has a very good script. It has a very good story. The way it was written, the role I mean, maganda rin ang pagkakasulat, pati yung kabubuan. Although I knew from the start na medyo mahirap gawin, kasi mahirap nga. Kasi kakaiba nga ang role," sabi ni Pie.


Ano ang challenge ng doing the role? "Si Adolf kasi gusto niya non-acting din. Siyempre pag medyo nasanay ka sa soap, e, doon medyo aktingan doon so adjustment iyon sa medium kasi iba ang culture ng pelikula sa soap. Tapos ibang klase ang pelikulang ginagawa mo. Iba rin ang culture ng soap so mag-aadjust ka roon.


"Ang isa pang mahirap ay ang location namin. Ang setting ay dumpsite sa Malabon (Catmon). Ang tagal ko nang di gumagawa ng movie sa lugar na ganoon. Alam ko naman na may mga lugar tayo like Smokey Mountain or Payatas pero siguro ngayon, kasi the last time I was able to shoot in a place like that was about five to six years. Ngayong bumalik ako. Grabe! Inhuman. Parang hindi na bagay tumira roon ang tao. Wala akong ibig sabihin na panlilibak o pandidiri. Pero sa 'king point of view, hindi na ito lugar na pantao. A human being deserves a better place."


Ang role mo ay nanay na nanganak ng isda. So how do you reconcile that?


"Exactly! How do you reconcile? So kung kayo na audience, hindi mo ma-reconcile, ako naman bilang isang aktres, ang objective ko naman ay to reconcile kung paano ninyo ito mauunawaan. So iyan ang ibinabalanse mo sa utak mo habang ginagawa mo na sana ang audience ay ito ang makuhang mensahe in spite of that irreconcilable idea. Pero you have to make it a way na ma-reconcile nila habang pinapanood nila. So ang laking sakit sa ulo noon, di ba? But I am so excited by the material. Tapos first movie ko pa with Adolf so it's an honor and a pleasure to work with him. Maganda ang role. Maganda ang material."


First time mo ba makatrabaho si Bembol Roco?


Ani Cherry Pie, "Hindi, si Bembol madalas kong makasama sa mga TV shows. Pero ito pa lang yata ang second time na makakasama ko siya sa pelikula pero major role ito. Kasi mag-asawa kami. And I respect the actor so much.


Ano ang naging reaction mo when you learned that Adolf wants you for this role?


"Natuwa ako tapos mas natuwa ako when I read the material kasi maganda talaga," wika ni Cherry Pie."Pag tumatanda ka, nagma-mature, may mga preference ka na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos minsan may inisip ka na minsan sa iba na lang iyan. Parang wala kang energy for a certain project. I don't have to prove anything anymore. I just love my job. Parang ganoon.

"If I want to do a movie, siguro kapag magiging masaya ako pa ginawa ko. Masarap ito gawin. Eh ito ang material na dumating. Happy ako. Kakaiba kasi ang role.

"Di ba minsan may nababasa tayong kuwento na nanganak ng isda. O nanganak ng batang ipinaglihi sa gagamba. Pero dito sa Isda, nagustuhan ko ang istorya and the way it was written, kung saan nag-focus. Basta tungkol sa isang babae na nanganak ng isda in a very humble community.

"To see the journey, yun ang maganda para huwag ma-anticipate what is going to happen, kaya di ko puwede ikuwento."


Gaganapin ang 7th edition ng Cinemalaya mula July 15-24 sa Cultural Center of the Philippines.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache (in photo) says that she has one thing in common with fellow Dekada Awardees of Gawad Urian, Gina Pareño and Coco Martin: "We all rose from the ranks."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results