Watch Now

Ian de Leon reveals "bitter truth" why he did not show up at birthday party prepared by mom Nora Aunor

by James Patrick Anarcon
Dec 13, 2020
Ian de Leon reveals the reason why he did not show up at the birthday party organized by his mother Nora Aunor: "May gusto siyang ipapunta na tao."
PHOTO/S: Ian De Leon Official / GMA-7

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Ian de Leon tungkol sa hindi niya pagsipot sa birthday celebration na inihanda ng kanyang inang si Nora Aunor noong Biyernes, December 11.

Noong December 11 ang eksaktong 45th birthday ni Ian.

Si Ian ay ang nag-iisang biological child ni Nora sa dating asawang si Christopher de Leon.

Sa livestream ni Ian sa kanyang YouTube channel ngayong Linggo ng gabi, December 13, na may pamagat na “The Bitter Truth,” inihayag ni Ian ang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya sinipot ang inihandang party ng ina.

Sa umpisa ng kanyang livestream, sinabi ni Ian na mahal na mahal nito ang ina.

“Pero kasi, ang sakit na, e. Hindi ko na kayang manahimik pa,” patuloy ni Ian.

Kahit nasa showbiz sia, pinipili pa rin daw ni Ian at ng kanyang pamilya na gawing pribado ang mga mahahalagang pangyayari sa kanila, tulad ng pagsasama-sama nila sa mga okasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW IT ALL STARTED

Ikinuwento ni Ian kung paano nag-umpisa ang plano ng kanyang Mommy Nora na ipaghanda siya sa kaarawan niya.

Kuwento ni Ian, “Tumawag ang mommy ko, tuwang-tuwa kami kasi ilang taon kaming hindi nag-usap.

"Tuwang-tuwang tuwa ako dahil nag-I love you-han kami, nag-I miss you-han kami, nagkuwentuhan kami.

“Plano niya ng birthday ko, maghahanda siya.

“Maghahanda siya for my birthday which is ilang taong hindi nangyari yun.

“Nangyari siguro yung huli, bata pa ako. Pero ngayon ulit siya maghahanda which, of course, don’t get me wrong, I was truly happy.

“I was overfilled with joy, nagbago ihip ng hangin. Lahat ng problema ko, lahat ng pinagdadaanan ng pamilya ko, nawala noong sinabi ng mommy ko na magpaplano siya at magkikita kami nitong birthday ko. Tuwang-tuwa na ako.”

Humingi pa raw ng tawad si Nora sa kanya sa lahat ng “pagkukulang” at “kasalanan” nito, at sinagot naman ito ni Ian ng panghihingi rin ng pasensya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Ian, lahat naman daw ng pamilya ay may pinagdadaanan, nagkataon lang na sila ay nasa showbiz kaya nalalaman ng publiko.

Dagdag ni Ian, “The sad part is, may kaunting lihis lang sa mga expectations ng mga tao, masama na kami, masama na ang ate ko, masama na ang pamilya ko, masama na.”

Ang tinutukoy ni Ian na ate ay si Lotlot de Leon, ang kanyang nakatatandang adopted sister.

Nabanggit din ni Ian ang nakababata niyang adopted siblings na sina Matet, Kiko, at Kenneth.

Patuloy ni Ian, “Hindi ako nakikipagkumpitensiya, hindi ako nagla-live ngayon para manumbat o manira.

“Kaya ‘The Bitter Truth’ ang title nito kasi gusto ko lang malaman niyo kung ano ang totoo.

“Mas pipiliin ko at ng pamilya ko na mabuhay sa katotohanan kahit masakit at mahirap lunukin, kaysa sa mabuhay na lahat ng nakikita ng tao, masaya, everybody happy. Pero deep inside, kapag nasa kuwarto, umiikot pa rin sa ulo ko, umiikot pa rin sa puso ko yung mga nangyayari, yung mga sinasabi ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This time, it’s not about the people. We are not here, I am not doing this to please people. I’m not doing this to put down anyone.

“I’m doing this kasi gusto kong maglabas ng kaunting katotohanan tungkol sa aming pamilya.”

Muli ay kinausap ni Ian ang kanyang ina sa camera.

Sabi ni Ian, “Mommy, sobrang mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita.

“Hindi ko ipagpapalit ang buong mundo para sa ’yo, alam mo yan. Lahat ng mga tiniis namin, buong buhay namin, mga kinikimkim namin, dahil mahal ka namin, e.

“Mahal kita, ibibigay ko ang buong buhay ko para sa ‘yo.”

Pagkatapos nito ay naging malaman ang mga sumunod na katagang binitiwan ni Ian para sa ina, na tila pahiwatig kung bakit hindi siya tumuloy sa party.

“Ayoko lang na may mga ibang taong nasa paligid natin, ayoko lang na makikita ng mga tao na nagyayakapan tayo, ang sweet-sweet natin kesyo nasa harapan tayo ng camera. Ayoko ng ganun, Ma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko, kapag nagkita tayo, yung tayo lang.”

Sa iniulat ng PEP Troika kahapon, December 12, na kuwento ng manunulat na si Rodel Fernando, hindi raw sinipot ni Ian ang birthday dahil inatake ito ng gout.

Maaga pa naman daw naghanda si Nora at sumalang sa isang interview bago ang 6 p.m. birthday party sa isang restaurant.

Dalawang oras bago ang party, nag-text si Ian na hindi na ito makakapunta dahil nga sa kanyang gout attack.

Dumating naman daw ang kapatid ni Ian na si Kenneth kasama ang asawang si Sam.

Sa hindi pagpunta ni Ian, naging advanced holiday party na lang daw ang naganap kasama ang ilang fans at kaibigan na pinapunta ni Nora at the last minute.

THE BITTER TRUTH

Sa puntong ito, naiiyak si Ian na sinabi ang kanyang “bitter truth.”

Nasaktan daw si Ian pagkatapos ng phone call nila ng kanyang ina dahil kinabukasan ay may tanong daw ito sa text: “Anak, pwede ko bang i-vlog yung pinag-usapan natin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Ian, “We had all the chances before na mag-get-together. Sa birthday ko, we had all the chances na I told you, 'Ma, magkakaapo ka na. Ma, first birthday niya. Binyag ni Jordan, Ma.'

“Gusto kong sabihin ngayon, sinasabi ko na dahil hindi ko na kaya. Siguro ikamamatay ko kapag hindi ko pa sinabi yung totoo dahil ang bigat na.”

Wala rin daw pakialam si Ian sa sinasabi ng bashers dahil nagsasabi lang daw siya ng katotohanan.

Patuloy niya, “Ang katotohanan talaga sa buhay ng mga tao, lahat 'yan pinagtatakpan, hindi nila nilalabas ang katotohanan dahil masakit pakinggan, mahirap lunukin.

“Pero in behalf of my siblings, most especially kay Matet, kay Ate na lang, sana naman po, yung mga bashers, yung mga haters na di nakakaintindi, di namin kayo kilala, e. Kung anu-ano pinagsasabi niyo sa amin.”

Muli ay binalikan ni Ian ang nakasakit sa kanya sa phone call nila ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sakit noon, nasaktan ako, Ma, noong phone call. Hindi ko lang ipinaalam na, oh my gosh, yung phone call na yun, I thought yun na yun, e. Yung matagal ko nang hinihintay, matagal ko nang inaasam.

“And this has to end, this hypocrisy has to end. We don’t like to live like this anymore. We don’t want to live a lie anymore.”

Inamin din ni Ian na ginawa na lang niyang dahilan ang kanyang gout kaya hindi siya pumunta.

“My birthday, kung totoong nangyari, may gout man, puwede kong saklayan.

“Ang katotohanan, nag-text, nag-message.

“Mommy, mahal na mahal kita, Ma. Grabe ang respeto ko sa inyo.”

Nabanggit din ni Ian ang write-up ni Rodel Fernando, isang malapit na showbiz writer kay Nora, at sinabi nitong “alamin mo muna ang buong katotohanan bago ka magsulat.”

THE TEXT MESSAGE

Ano nga ba ang katotohanang sinasabi ni Ian?

Paglalahad ni Ian, “What happened was the night before nag-message kami... ito para sa mga nakakaalam, para sa mga nakakaalam, para sa mga nakakaintindi, nagmamahal talaga nang totoo at umuunawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung message ni Mommy, ayokong manglaglag, hindi ako nanlalaglag. Gusto ko lang sabihin ang totoo.

“’Anak,’ sabi niya, ‘Favor naman? Sagutin mo ako nang totoo, sagutin mo ako nang galing sa puso mo. Maiintindihan ko kahit anuman sagutin mo kasi gusto ko, special ang kaarawan mo.’

“’Tapos sumunod doon, may gusto siyang ipapunta na tao.

“Sagot ko, ‘Sorry, Ma, I don’t think na magiging comfortable kami.’

“And doon lang sa mga nakakaalam, sa mga nakakaalam talaga, alam niyo na ho iyon.”

Hindi binanggit ni Ian ang taong tinutukoy niya na gustong papuntahin ni Nora sa kanyang birthday.

Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi maganda ang relasyon ng mga anak ng Superstar sa long-time companion ng aktres, ang singer-rapper na si John Rendez.

Bago pa man manirahan si Nora ng limang taon sa Amerika at bumalik sa Pilipinas noong 2011 ay si John na ang palagi jitong kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi pa ni Ian na sa mga dati niyang livestreams, nababanggit na niya ang pagpapatawad.

Kung ang Diyos nga raw ay nagawang magpatawad, bakit naman daw siya, hindi magpapatawad.

Pagpapatuloy ng akor, “Kaya at this point, gusto ko nang magpatawad.

“Sa mga nakakaalam, kung sino yung tinutukoy ko, thank you sa pag-unawa. Ayoko na ng showbiz, ayoko na.

“Ma, alam kong nanonood kayo, uulitin ko, mahal na mahal kita. Hinding-hindi magbabago yun, Ma."

Nakikusap din si Ian sa kanyang ina na bigyan nito ng pagkakataong alagaan ng sarili niyang pamilya.

Saad ni Ian, “Pakiusap ko lang, bigyan mo naman ng chance ang family mo.

“Ilang taon na kayo, Ma. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw.

“Pakiusap, Ma, ang mga tao sa paligid niyo, alisin niyo na 'yan.

“Pamilya mo naman. Nakikiusap ako bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo.”

Hiling pa ni Ian sa kanyang susunod na kaarawan, tanggalin daw ni Nora si “Nora Aunor” sa kanyang pagkatao at makita nila ang tunay na Nora na hindi showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hiling ko, hindi magarbong handa, hindi cake, ang hiling ko ma, maging Nora Cabaltera Villamayor ka, hindi Nora Aunor.

“Gusto kong maranasan ng mga apo mo yung pagmamahal na pwede mong i-share. Gusto ko makasama mo sila habang may lakas pa tayo.”

Para sa viewers naman ni Ian, nilinaw nitong hindi niya intensyong “manumbat o manira,” pero para bigyan ng “disclosure” ang kanyang pamilya.

Paliwanag niya, “Kasi buong buhay namin, pinuprotektahan namin ang mommy namin, kahit hindi niya alam.

“Nandito kami, o. Ma, o, handang-handa naming ialay ang buhay namin para sa ‘yo.

“Tutulungan ka namin gawin lahat ng mga kailangan mo gawin sa buhay, bigyan mo lang kami ng pagkakataon.”

Na-appreciate naman daw ni Ian ang gesture na ginawa ng ina, pero katulad ng una niyang nabanggit, “magkita-kita man tayo, yung tayo-tayo na lang.”

Dagdag niya, “Nasaktan ka, nasaktan kita dahil hindi ako sumipot, naghanda po kayo.

“Best effort, Ma, hands down. I appreciate from the bottom of my heart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli, nilinaw ni Ian sa mga nanonood na mahal na mahal niya ang ina, at sana nga raw ay nagsalita siya kaagad tungkol sa kanyang katotohanan.

“Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, sana hindi na lang ako nagpadala sa takot, nagpadala sa intriga.

“Sana, hindi na lang ako umupo sa isang tabi at tinignan ang mga nangyayari sa harapan ng mga mata ko, ilang taon hanggang ngayon.”

IAN’S CHRISTMAS WISH

Ang hiling daw ni Ian ngayong Pasko ay makapag-usap sila ng kanyang ina.

“Itong Christmas, hiling ko lang, Ma, mag-usap tayo nang masinsinan.

“Yung tayo lang please, kahit over the phone, basta mag-heart-to-heart talk.

“Walang camera, wala. Tayo lang, intimate.

“Iyan ang promise mo before my birthday, Ma. You told me na, ‘Promise, anak, tayo-tayo lang.’”

Ayaw nga raw sanang gawin ni Ian ang paglalahad ng kanyang saloobin para lang sa vlog, subalit nagawa na niya.

Dahilan ni Ian, “Everyone has to know the truth. Everyone has to understand, everyone has the right to know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din ni Ian na nagkamali siya, pero sana raw ay “huwag gawing peryahan” ang problema nilang pamilya, kahit pa na nasa showbiz sila.

Bago matapos ang kanyang livestream ay may mensaheng muli si Ian para sa ina.

“I love you, Ma, and take care always, Ma. I’ll be talking to you, sabihin niyo na lang sa akin over the phone.

“Sana… basta mag-usap na lang tayo, Ma, soon.

“I wish to see you, I miss you. Mahal na mahal kita and sorry kung di ko nakayanang pumunta sa hinanda niyong celebration para sa akin. I really do appreciate that.”

Naiyak pa nga raw si Ian nang makita niya ang birthday cake na ang nakalagay ay: “Happy Birthday, Ian! From Mommy.”

Patuloy ni Ian, “So sweet. Pero wala, e. Hindi ko kinayanan.

“Dahil on top of it all, sa karamdaman ko, yun. Nasabi ko naman na. Ayoko nang ulitin.”

Sa huli, sabi ni Ian, “Hindi ko alam kung saan ito papunta pero ito yung totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian de Leon reveals the reason why he did not show up at the birthday party organized by his mother Nora Aunor: "May gusto siyang ipapunta na tao."
PHOTO/S: Ian De Leon Official / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results