Humihingi ng pinansiyal na tulong ang singer na si Jaya kasunod ng pagkatupok ng kanilang bahay sa Washington, D.C., sa Amerika, bunsod ng sunog.
Read: Jaya’s house in the U.S. burned to the ground: “But we are all safe.”
Sa Instagram kagabi, August 10, 2022, nagpasalamat ang Queen of Soul sa mga tulong at pagmamahal na ipinakita ng kanyang mga kaibigan at kakilala.
Nahihiya mang i-post ang paghingi nila ng tulong, pero wala raw siyang magagawa dahil sa trahedyang kanilang sinapit.
Mababasa rin dito ang link ng GoFundMe, isang online crowdfunding platform na nagpapahintulot sa mga taong lumikom ng pondo para sa iba’t ibang okasyon at mga pagkakataong kailangan ng pera para sa isang aksidente, pagkakasakit, o trahedya.
Mensahe ni Jaya, "We are grateful for all of your love and generosity! It's hard to post this but anything will help us during this tragic time. May God bless you abundantly for helping us out! https://gofund.me/573b9792”
Ibinahagi rin ng singer ang post ng asawang si Gary Gotidoc.
Mababasa rito: "With a heavy heart I have to post and share this. This will really help us get back on our feet. We appreciate your kindness and generosity! Thank you Allan Pajimula for setting this up for us. May God bless you all abundantly!"
Ang ikatlong post ni Jaya ay mula pa rin sa asawa.
Inalala ni Gary ang huling pagkakataong nasa bahay silang pamilya bago ito matupok ng apoy.
Aniya, “The last time we are ever stepping into this house! We had some pretty fun memories here during our short time. We will never forget all the kind neighbors we had that showed us love and support! It was a fun ride Capitola Pl. Now off to our new adventure and finding a new place to call home!”
View this post on Instagram
Pero binura na ni Jaya—pati ng asawa niyang si Gary—ang unang dalawang posts nila ngayong araw, August 11.
$20,000 GOAL
May dalawang nilikhang fundraising links: ang una ay mula sa kaibigan nilang si Allan Pajimula at ang ikalawa ay mula kay Gary.
Parehong $20,000 o P1M (sa palitang $1 to P50) ang goal ng fundraisers.
Sa fundraising ni Allan, may nalikom na siyang $5,300 o P265,000.
Wala pang inililista ang GoFundMe sa nalikom ni Gary.
Nasunog ang tirahan nina Jaya noong August 8.
Laking pasasalamat naman ng singer na walang nasaktan sa kanyang pamilya.
Ibinahagi ni Jaya sa Instagram kung ano ang naiwan sa kanilang bahay matapos mangyari ang sunog. Kita sa larawan ang two-story house nila na halos puro itim ang unang palapag na iniwan ng apoy.
July 2021 nang lumipad si Jaya at ang kanyang pamilya sa Amerika para roon na manirahan.