Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sasabak sa action movie?

Mukhang may bagong aabangan ang KathNiel fans
Jan 30, 2020

Posibleng mapanood ulit ang sikat na love team ng KathNiel sa pelikula o sa telebisyon sa mga susunod na buwan.

Halos dalawang taon ding namahinga ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na huling napanood sa pelikulang The Hows of Us, na ipinalabas noong August 2018.

Ayon sa scoop na nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tila sumabak sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa action scenes sa isang shoot kamakailan. Base rin sa mga litratong pinadala sa PEP.ph, tila naganap ang shoot sa isang tiangge.

Isa pang clue tungkol sa bagong project ng KathNiel ay ang presence ng batikang action star na si Rez Cortez, na kilala sa kanyang kontrabida roles sa pelikula at telebisyon.

Kung sakali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida ang KathNiel sa isang action project.

We’re sure excited na ang mga fans na mapanood muli ang pagsasama ng kanilang paboritong love team.

Stay tuned to PEP.ph for updates.

This is a sponsored article.

Shop the items in this story!

Featured Searches:

Read the Story →
  • Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results