Malaking problema ang ibinigay ni JM de Guzman sa production staff ng bagong programa ng TV5 dahil s

by Erwin Santiago
Jun 5, 2013

Malaking problema ang ibinigay ni JM de Guzman sa production staff ng bagong programa ng TV5 dahil sa hindi niya pagsipot kagabi, June 4, sa taping na ginanap sa isang Quezon City bar na malapit lamang sa kanyang tinitirhan. Big scene ang kukunan kaya kumpleto ang buong cast ng TV show na pinagbibidahan ng Artista Academy stars. Tiniyak ng kampo ni JM na makararating ito, pero hindi na nila sinagot ang mga tawag sa telepono ng production staff na nakaramdam ng matinding tensyon sa pambibitin na ginawa ng aktor. Diumano, upset si JM kaya hindi ito sumipot sa taping dahil nawalan siya ng P20,000 at ang kanyang personal assistant ang pinagbibintangan niya. Ang former PBB housemate na si Johan Santos ang last-minute replacement kay JM.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results