Dingdong Dantes, mananatili pa ring Kapuso! Nakatakdang mag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 si Di

by Erwin Santiago
Sep 14, 2013
Dingdong Dantes, mananatili pa ring Kapuso! Nakatakdang mag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7 si Dingdong ngayong tanghali, September 14, sa Manila Polo Club. Bagamat may bagong primetime series ang aktor sa Kapuso network, ang Genesis, maugong ang balita noon na maaaring ito na ang maging huling proyekto ng aktor bilang Kapuso. Natapos ang kontrata ni Dingdong noong Agosto. Inamin kasi noon ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan na nakikipag-usap sila sa ibang networks. Ngunit sa huli ay nagdesisyon ang kampo ng aktor na manatili bilang isang Kapuso. Nauna nang nag-renew ng kontrata sa network ang kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results