Naiyak si Angelica Panganiban nang malamang buntis si Melai Cantiveros, co-star niya sa comedy showe

by Jocelyn Dimaculangan
Sep 18, 2013
Naiyak si Angelica Panganiban nang malamang buntis si Melai Cantiveros, co-star niya sa comedy show Banana Split. "Noong una niyang sinabi, natuwa naman ako at tawa ako nang tawa. Akala ko kasi noong una, joke siya. Lahat kami talaga tawang-tawa kami. Di ba, si Melai parang sobrang inosente at aliw lang." Paano ibinalita ni Melai ang tungkol sa pagbubuntis niya? Kuwento ni Angelica na nasa Singapore siya nang tumawag si Melai. "Sabi niya, ‘Buntis ako. Nagdadalang tao ako.‘ Natawa ako, tapos sabi ko, ‘Nasaan ka ba? Tapos ano punch line mo?‘" Matapos raw nila mag-usap sa telepono, saka naiyak si Angelica. "Pagbaba ko ng phone, naiyak ako talaga. Parang dun ako naiyak talaga kasi parang kapatid ko yun. Pino-protektahan ko yun over my dead body."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results