Dumating na si Atty. Ferdinand Topacio sa Rembrandt Hotel sa Quezon City para sa press conference ng kliyente niyang si Claudine Barretto ngayong tanghali. Ayon sa abugado, "ire-rebutt" lang nila ang mga alegasyon ng kampo ni Raymart Santiago. Sinabi rin ni Atty. Topacio na mas maayos na ang disposisyon ngayon ng aktres kumpara nitong mga nakaraang araw.