Sa presscon kanina ng bagong TV5 reality talk show na emFace The People,/em kunsaan hosts sina Gelli

IMAGE 0


Sa presscon kanina ng bagong TV5 reality talk show na Face The People, kunsaan hosts sina Gelli de Belen at Christine Bersola, nilinaw ang tungkol sa usap-usapang sinulot mula sa host noon na si Amy Perez ang bagong show ng Kapatid station. Ani Gelli, si Amy nga raw dapat ang orihinal na ka-partner niya. Kaya lang ay nagkaroon ng problema sa pagitan nina Amy at ng crew and staff ng Face To Face at kinailangan na nitong mamaalam sa show at sa mismong TV5. Nilinaw rin ni Christine na ibinigay sa kanya ang posisyon sana ni Amy sa bagong show ng mismong presidente ng istasyon at may basbas pa ng kumare niyang si Amy. Naging maayos naman daw ang lahat sa pag-alis ni Amy at walang nasirang pagkakaibigan sa proseso.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN