Nagsalita sa PEP.ph si Miriam Quiambao tungkol sa "purity pledge" nila ng fiancé niyang si Ardy Roberto. "Na-appreciate ko yun kay Ardy. It really goes to show his pure intentions for me," sabi ni Miriam ngayong araw, October 29. Nag-post sa Instagram si Miriam kamakailan tungkol sa kasunduan nilang magkasintahan, na ang tanging "expression of affection" na kanilang gagawin ay "kissing on the cheek, holding hands, and hugging."