Ibinahagi ni Boy Abunda sa Buzz ng Bayan ngayong araw, January 5, na patuloy ang pag-uusap sa pagitan ni Kris Aquino at ng ABS-CBN management hinggil sa napapabalitang paglipat ni Kris sa GMA Network. Ani Boy, mas mainam na si Kris ang magpaliwanag tungkol sa isyu pagbalik niya mula sa London.