Ayon kay Isabel Oli, kumpara sa kanilang dalawa ng boyfriend niyang si John Prats, mas excited pa sa kanila ang kani-kanilang pamilya pagdating sa pagpapakasal. Gayunpaman, sinabi ng aktres na hindi pa niya nakikita ang sarili na magpapakasal kay John ngayong 2014 para makapag-focus sa kanilang mga showbiz careers.