Aminado si Angel Locsin na may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para sa ex-boyfriend na si Luis

Aminado si Angel Locsin na may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para sa ex-boyfriend na si Luis Manzano. Sa blogcon ng teleseryeng The Legal Wife kanina, naging emosyunal si Angel nang tanungin ang tungkol sa kanila ni Luis. Ikinuwento ng aktres na dumalaw si Luis sa kanilang tahanan noong New Year, ngunit tulog na raw siya kaya hindi sila nagkita. Inamin ni Angel sa presscon na mahal pa rin niya si Luis. Nang tanungin naman kung may posibilidad na magkabalikan sila, napatigil si Angel at sinabing, "Sana..."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close