"Siyempre masakit," pag-amin ni Maja Salvador nang tanungin siya tungkol sa pagsampal sa kanya ni Angel Locsin sa kanilang upcoming teleserye. Gayunpaman, bago pa raw ang take ay napag-usapan na nilang ibibigay na nila ang lahat para hindi na ulitin ang eksena. Ang eksenang sampalan sa trailer ay take one lamang daw.