Sinumpaan ni Vhong Navarro ang kanyang affidavit para sa reklamong ihahain niya laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at iba pang nambugbog sa kanya, kaninang bandang 2:20 ng hapon, sa loob ng kanyang hospital room. Ang kanyang mga abugado, sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga, na lamang daw ang bahalang maghain nito sa korte.