Itinanggi ng kampo ni John Prats ang bali-balitang nagpaalam na umano ang aktor sa mga boss ng ABS-CBN. Ito ay kasunod ng isyung lilipat na diumano sa bakuran ng GMA-7 John. Nakipag-ugnayan ang PEP sa PR man ni Arnold Vegafria, manager ni John, at sinabi ng talent manager na hindi totoong nagpaalam na ang actor-TV host.