Kinuwestiyon ni Direk Tikoy Aguiluz kung bakit pinagbawalan ang kanilang produksiyon na mag-shoot sa Manila Film Center para sa pelikulang Tragic Theater. Ang pelikulang ito ay base sa real-life tragedy kung saan gumuho ang kinu-construct na Manila Film Center noong 1981.